Wowie De Guzman, ibinahaging wala muna sa isip ang pakikipagrelasyon

Wowie De Guzman, ibinahaging wala muna sa isip ang pakikipagrelasyon

- Ibinahagi ni Wowie de Guzman na hindi pa siya naghahanap ng kanyang makakarelasyon dahil gusto niya umanong mapagtuunan ng pansin ang kanyang anak na si Raf

- Gayunpaman, pinagdadasal niya naman na makatagpo siya ng babaeng kanyang makakasama ngunit sa kasalukuyan umano ay nais niyang masulit ang oras kasama ang anak

- Sa isang panayam ay ibinahagi ni Wowie ang naging buhay niya noong nasa rurok siya ng kasikatan at pagkatapos ng pagkabuwag ng tambalan nila ni Judy Ann Santos

- Kasalukuyang nahihilig at naging hanapbuhay niya rin ang pagtuturo ng Zumba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam na inilabas ng OneMusicPH YouTube channel, naibahagi ni Wowie de Guzman ang kanyang naging buhay simula noong panahong sumikat siya hanggang sa pagiging ama niya sa anak na si Raf.

Wowie De Guzman, ibinahaging wala muna sa isip ang pakikipagrelasyon
Wowie De Guzman (@wowskie)
Source: Instagram

Ayon kay Wowie, naging mahirap sa kanyang tanggapin ang maagang pagkawala ng kanyang asawa. Hindi umano niya ito inasahan dahil sa pag-aakala niya ay mauuna siya dahil nga mas matanda siya sa kanyang yumaong misis.

Read also

Alwyn Uytingco, sinabing mahal na mahal niya ang asawang si Jennica Garcia

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan umano ay nais munang pagtuonan ng pansin ni Wowie ang anak at ayaw muna niyang isipin ang pakikipagrelasyon.

Gayunpaman, hindi niya ikinakailang gusto niya rin magkaroon ng babaeng makakasama niya at mamahalin pagdating ng tamang oras.

Aniya, gusto niyang sulitin ang oras na kasama ang anak habang bata pa ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Wowie ay nakilala bilang kapareha ni Judy Ann Santos sa mga pelikula at teleserye noong dekada 90.

Isa din siya sa Universal Motion Dancer at naging isa sa pinakahinahangaang matinee idol.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami sa mga netizens ang talaga namang bumilib sa pagiging mabuting ama ng aktor kahit mag-isa niyang tinataguyod ang anak. Nawala man ng maaga ang kanyang asawa, hindi niya pinabayaan ang anak at pinilit punan ang kulang dahil sa pagkawala ng asawa.

Read also

Long Mejia, nagkaroon ng pitong PA noong kasagsagan ng kasikatan

Emosyonal na binalikan ni Wowie ang pangyayari sa pamamagitan ng isang panayam.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel