Long Mejia, nagkaroon ng pitong PA noong kasagsagan ng kasikatan

Long Mejia, nagkaroon ng pitong PA noong kasagsagan ng kasikatan

- Hindi ikinaila ni Long Mejia ang tungkol sa balitang lumaki umano ang ulo niya nang sumikat

- Gayunpaman, sinabi niyang noong panahon na yun, pito ang kanyang personal assistant

- Dahil dito, may mga nasabing hindi maganda sa kanya lalo at nakikita siyang naglalakad na may pitong PA

- Gayunpaman, sinabi niyang kaya umabot sa ganoon karami ang kanyang naging assistant ay dahil naawa siya sa mga taong humihingi ng tulong sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi ikinaila ni Long Mejia na medyo lumaki ang kanyang ulo ng sumikat siya at dumami ang kanyang TV shows. Napupuna umano siyang marami siyang alalay kapag naglalakad.

Long Mejia, nagkaroon ng pitong PA noong kasagsagan ng kasikatan
Screenshot from TicTALK with Aster Amoyo YouTube Channel
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naibahagi niyang umabot sa pito ang kanyang personal assistant. Gayunpama, iyon umano ay dahil masyado siyang naging maawain. Lahat ng lumalapit sa kanya ay tinutulungan niya umano kaya dumami ang kanyang alalay.

Read also

Long Mejia, ibinahaging si Joey Marquez ang nagbigay ng kanyang unang kotse

Inaamin niya ring dahil sa kanyang puyat ay hindi niya napagbibigyan ang mga fans. Ito ay naging ugat ng usap-usapang suplado umano siya.

Na-isyu naman umano siyang mayabang dahil hindi siya nagbababa ng salamin ng kotse. Gayunpaman, ang dahilan daw nito ay lagi siyang tulog.

Kapag naman daw nakabukas ang kanyang salamin ay na-iisyu siyang nagyayabang dahil may kotse.

Hindi naman daw siya nangarap na maging superstar. Ginusto niya lang na makilala dahil sa kanyang talento sa pagpapatawa.

Nang mawalan siya ng TV projects, kinailangan niyang magbenta ng kotse upang maitawid ang kanyang mga bayarin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Long Mejia ay komedyanteng nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng ilang comedy shows kagaya ng Kool Ka Lang, OK Fine Whatever, Home Along Da Airport at marami pang iba. Naging bahagi din siya ng Sunday noontime show na Sunday PinaSaya.

Read also

Long Mejia, inalala ang kanyang naging buhay bago makapasok sa showbiz

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kasalukuyan, napapanood siya bilang isa sa cast ng show na John en Ellen na pinagbibidahan nina John Estrada at Ellen Adarna.

Nakasama rin siya kamakailan ni Luis Manzano sa kanyang online show na Lucky ng Tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel