Long Mejia, ibinahaging si Joey Marquez ang nagbigay ng kanyang unang kotse

Long Mejia, ibinahaging si Joey Marquez ang nagbigay ng kanyang unang kotse

- Naibahagi ni Long Mejia na si Joey Marquez ang nagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang sasakyan

- Nakita umano siya nito at nalaman nitong namamasahe lamang siya papunta sa kanilang location ng taping

- Nagulat na lamang umano siya nang ihagis sa kanya ni Joey ang susi nang pinapunta siya nito sa bahay niya

- Hinigian umano siya ni Joey ng piso at pabirong sinabing bayad umano niya ito sa kotseng ibinigay ni Joey

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinatotohanan ni Long Mejia ang pagiging generous ng aktor at komedyanteng si Joey Marquez. Ito umano ang nagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang kotse matapos nitong malamang de-padyak ang sinakyan ni Long papunta sa kanilang taping.

Long Mejia, ibinahaging si Joey Marquez ang nagbigay ng kanyang unang kotse
Screenshot from TicTALK with Aster Amoyo YouTube Channel
Source: UGC

Nakita siya umano nito na bumaba sa kanyang sinakyang de-padyak at tinanong kung nasann ang kotse niya. Sagot umano ni Long, hindi pa kaya ng kanyang budget.

Read also

Long Mejia, inalala ang kanyang naging buhay bago makapasok sa showbiz

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasunod nito ay sinabihan siya ni Joey na pumunta sa bahay niya nang December at nagulat na lamang siya nang ibinato sa kanya ang susi ng sasakyan. Hiningian lamang daw siya ni Joey ng piso bilang pambayad sa kotse.

Bilin ni Joey sa kanya na alagaan niya ang kotseng ibinigay niya. Sinabi pa umano nito na hindi na siya mahihirapan kapag pupunta sa kanyang rabaho.

Dito umano nagsimula ang biruan nila ni Joey sa kanilang show kung saan hinihingi sa kanya ni Joey ang susi sa tuwing maglaglagan sila sa kanilang show.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Long Mejia ay komedyanteng nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng ilang comedy shows kagaya ng Kool Ka Lang, OK Fine Whatever, Home Along Da Airport at marami pang iba. Naging bahagi din siya ng Sunday noontime show na Sunday PinaSaya.

Read also

Vice Ganda, inamin kay Ogie Diaz na madalas siyang 'umiiyak'

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kasalukuyan, napapanood siya bilang isa sa cast ng show na John en Ellen na pinagbibidahan nina John Estrada at Ellen Adarna.

Nakasama rin siya kamakailan ni Luis Manzano sa kanyang online show na Lucky ng Tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel