Alwyn Uytingco, sinabing mahal na mahal niya ang asawang si Jennica Garcia

Alwyn Uytingco, sinabing mahal na mahal niya ang asawang si Jennica Garcia

- Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang lumabas ang balita tungkol sa pinagdadaanang problema nilang mag-asawa, nag-post si Awyn Uytingco ng picture ni Jennica Garcia

- Nagbahagi din siya ng mensahe para sa asawa at pinaalala nito kay Jennica na mahal na mahal niya umano ito

- Matatandaang kamakailan ay inamin ni Jennica ang tungkol sa pinagdadaanan nila ngunit hindi na ito nagbigay ng detalye tungkol sa dahilan ng napapabalitang hiwalayan

- Pinagtanggol din ni Jennica si Alwyn matapos itong mabatikos kasunod ng kanyang naging pahayag sa isang panayam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbahagi ng isang maikling mensahe si Alwyn Uytingco para sa asawang si Jennica Garcia sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Ito ang unang pagkakataon na nagbahagi ang aktor ng litrato ng asawa simula nang lumabas ang balitang naghiwalay na sila.

Alwyn Uytingco, pinaalala kay Jennica Garcia na mahal na mahal niya ang asawa
Alwyn Uytingco (@alwynzky)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Long Mejia, inalala ang kanyang naging buhay bago makapasok sa showbiz

Ani Alwyn, marami siyang nais sabihin ngunit hindi niya kayang sabihin ang kanyang paliwanag sa simpleng salita. Gusto na lamang umano niyang ipaalala kay Jennica na mahal na mahal niya ito.

Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Alwyn Uytingco ay nagsimulang makilala sa mundo ng showbiz matapos maging bahagi ng "Ang TV." Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Ang Tanging Ina kung saan gumanap siya bilang si Pip at ang 2018 film na Asuang kung saan ginawaran siya ng Best Acting Award sa Cinema One Originals 2018 International Film Festival.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Claudine Barretto, sinabing si Raymart Santiago ang kanyang "favorite mistake"

Kamakailan nga ay naging usap-usapan ang balitang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Jennica Garcia. Isang makahulugang mensahe ang kanyang binahagi kasunod ng pag-viral ng video kung saan umiiyak si Jennica.

Sa isang panayam ay kinumpirma ni Jennica ang tungkol sa kanilang pinagdadaanan ni Alwyn. Gayunpaman, nilinaw niyang hindi totoo ang isyu na dahil umano sa kakulangan sa sustento kaya sila naghiwalay. Pinagtanggol niya rin si Alwyn sa mga bashers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel