Jennica Garcia, umalma sa mga panghuhusga kay Alwyn Uytingco

Jennica Garcia, umalma sa mga panghuhusga kay Alwyn Uytingco

- Umalma si Jennica Garcia sa mga naglabasang news article kung saan napapasama ang tingin ng publiko sa ama ng kanyang mga anak

- Nilinaw nito na walang kinalaman ang pinansiyal na problema sa kanilang naging desisyong maghiwalay

- Aniya, hinding-hindi siya magsasalita ng masama laban kay Alwyn Uytingco at good provider umano ito sa kanila

- IIwasan din niya umanong magsalita pagdating sa mga katanungan tungkol kay Alwyn upang maprotektahan ang kanilang mga anak sa maari nilang mabasa sa internet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang paglabas ng iba't-ibang articles tungkol sa kanilang mag-asawa, minabuti ni Jennica Garcia na magsalita upang linawin ang mga espikulasyon ng publiko tungkol sa kanilang pinagdadaanan.

Jennica Garcia, umalma sa mga panghuhusga kay Alwyn Uytingco
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Jennica, nais niyang linawin na taliwas sa mga lumabas na bali-balitang pinansiyal na problema ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, isang amang hindi materialistic, hardworking at good provide daw si Alwyn.

Read also

Fan ni Rabiya Mateo, nagwala matapos i-anunsiyo ang mga nakapasok sa Top 10

Hindi din umano isyu ang kanilang savings at napagpasyahan niyang ang pagbabalik-artista ang tama niyang gawin sa kanyang kasalukuyang kalagayan.

Dagdag pa niya, hinding-hindi siya magsasalita ng masama laban sa ama ng kanyang dalawang anak na sina Mori at Alessi.

Iiwasan niya umano ang mga katanungang patungkol kay Alwyn para maprotektahan ang kanilang mga anak sa maari nilang mabasa online kapag lumaki na ang mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Read also

Marco Gumabao, dinepensahan ang sarili sa mga nagsabing mukha siyang pera

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang social media account.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel