Marco Gumabao, dinepensahan ang sarili sa mga nagsabing mukha siyang pera

Marco Gumabao, dinepensahan ang sarili sa mga nagsabing mukha siyang pera

- Matapos mabatikos dahil sa kanyang prank sa video ni Donnalyn Bartolome, nagbigay ng kanyang pahayag si Marco Gumabao

- Sa unang pagkakataon ay nilinaw niya ang tungkol sa kanyang pinakitang hindi magandang ugali para ma-prank si Donnalyn Bartolome

- Aniya, para sa mga taong sinabihan siyang mukha siyang pera, hindi niya sisirain ang kanyang pangalan para sa isang milyon

- Sa katunayan ay nagbigay na lamang siya mula sa sarili niyang pera sa napili niyang pagbibigyan sana ng kanyang premyo sakaling siya ang nanalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si Marco Gumabao kaugnay sa mga natanggap niyang pambabatikos kaugnay ng kanyang pag-prank kay Donnalyn Bartolome sa video nitong "Last to Leave the Pool wins 1 Million Pesos."

Marco Gumabao, dinipensahan ang sarili sa mga nagsabing mukha siyang pera
Marco Gumabao (@gumabaomarco)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Alwyn Uytingco, may hugot sa pag-promote niya sa kanyang pelikula

Sa kanyang ibinahaging video, ikinuwento ni Marco kung paano niya naisipang i-prank si Donnalyn dahil kilala niya itong mahilig mang-prank at gusto din daw talaga niyang masubukang gawin iyon.

Sa kasagsagan ng pangba-bash sa kanya ay natawa umano si Marco dahil pakiramdam niya ay maging ang mga netizens ay na-prank niya rin.

Gayunpaman, hindi nito napigilang maging emosyonal nang magbigay ito ng mensahe sa mga tao na dapat ay iwasan ang manghusga kaagad sa kapwa. Dagdag pa niya dapat ay matutong rumespeto sa kahit sino.

Para naman sa mga taong nagsabing mukha daw siyang pera, nilinaw niyang hindi niya sisirain ang kanyang pangalan para lamang sa isang milyong piso.

Sa katunayan ay magbibigay siya ng P100,000 para sa kanyang napiling institusyon na pagbibigyan sana ng kanyang mapapanalunan sakaling siya ang pinalad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Marco Gumabao ay nakilala bilang isang aktor, modelo at negosyante. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay She's Dating the Gangster (2014) at Just the Way You Are (2015).

Read also

Marco Gumabao, di napigilang mag-react matapos mabatikos ng haters

Naging bahagi din siya ng mga teleseryeng Forevermore (2014–15), Pusong Ligaw (2017–18), at Ang Probinsyano (2017).

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos nga ibahagi ni Donnalyn ang kanyang kontrobersyal na vlog, binura niya ito ngunit ibinalik niya rin at agad na nag-trending sa YouTube.

Hindi naman napigilang mag-komento ni Marco sa nasabing vlog.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel