Donnalyn Bartolome, binura ang video sa YouTube dahil sa mga kaibigang napikon

Donnalyn Bartolome, binura ang video sa YouTube dahil sa mga kaibigang napikon

- Wala na sa kanyang YouTube channel ang panibagong binahagi ni Donnalyn Bartolome na pinamagatang "Last to Leave the Pool Wins 1 Million"

- Nilinaw ni Donnalyn na binura niyang sadya ang nasabing video dahil na rin sa nangyari sa nasabing vlog

- Kasama niya ang mga kapwa content creator na sina Mica Salamanca, Marco Gumabao, Asian Cutie at ang DonEkla

- Napikon umano sina Marco Gumabao at Super Tekla sa nasabing challenge at pinili na lang na hindi tapusin ang vlog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Burado na ang video ni Donnalyn sa kanyang YouTube channel na may pamagat na Last to Leave the Pool Wins 1 Million."

Kasunod nito ay nagbahagi siya ng kanyang saloobin sa kanyang Facebook page tungkol sa nangyari sa nasabing video.

Donnalyn Bartolome, binura ang video sa YouTube dahil sa mga kaibigang napikon
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Miss Universe Myanmar, problemado matapos mawala ang kanyang bagahe

Dahil 1 million pesos ang premyo, halos lahat ng kalahok na kinabibilangan nina Mica Salamanca, Marco Gumabao, Asian Cutie Donita Nose at Super Tekla ay naging competitive at determinadong manalo.

Donnalyn Bartolome, binura ang video sa YouTube dahil sa mga kaibigang napikon
Screenshot from Donnalyn Bartolome's YouTube channel
Source: Instagram

Habang tumatagal ay wala pa ring umaalis sa pool kaya unti-unting dinagdagan ang rules at challenge.

May mga insektong nilagay sa pool. Mayroon ding mga ahas at Buwaya na maliit na pinakawalan sa pool. Kinailangan pa nilang pumirma sa waiver sa kalagitnaan ng vlog dahil sa panganib ngunit mayroon naman umanong nakaabang na mga medic na gagamot sakaling may mangyaring di inaasahan.

Napansin ni Donna na umakyat si Marco sa railing ng pool at wala ang paa nito sa tubig kaya sinabihan siya nitong out na daw siya.

Pinaglaban naman ni Marco na parte pa naman ng pool ang railing kaya hindi pa siya out. Ilang beses siyang sinabihan ni Donnalyn na hindi na siya kasali ngunit naniniwala ang aktor na hindi pa siya out kaya hindi ito umalis.

Read also

Piolo Pascual, pinasalamatan sina Doc Hayden at Vicki Belo sa kanilang regalo

Sumunod naman ay may nilagay na marker ang staff para maging palatandaan kung hanggang saan lang dapat mamalagi ang mga kalahok. Bawal daw lumagpas sa marker na iyon.

Si Tekla naman ang lumagpas ngunit hindi din nito naintindihan ang naging bagong rule na dinagdag kaya nakipag diskusyunan siya tungkol dito.

Hindi na tinapos nina Tekla at Marco ang vlog at nauna nang umalis.

Napatanong naman si Donna kung prank daw ba iyon dahil ngayon lang daw siya nabastos sa isang collab na kanyang nagawa.

Samantala, narito ang naging mensahe ni Donna matapos niyang burahin ang video sa YouTube:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994, sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, Japan. Nakilala siya bilang isang singer, performer, YouTuber at social media influencer. Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Kakaibabe, Paskong Wala Ka, Happy Breakup, Di Lahat at marami pang iba.

Read also

Willie Revillame, nagbigay pugay sa mga OPM artist at comedian na yumao na

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.

Sa kabila naman ng maraming mga request ng fans, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel