Miss Universe Myanmar, problemado matapos mawala ang kanyang bagahe

Miss Universe Myanmar, problemado matapos mawala ang kanyang bagahe

- Namroblema ang pambato ng Myanmar sa Miss Universe 2020 na si Thuzar Wint Lwin ilang araw bago ang coronation night ng MU2020

- Nawala umano ang isang bagahe niya kung saan nakalagay ang halos lahat ng gagamitin niyang gown para sa pageant

- Hindi nabigay sa kanya ng sinakyang airlines ang kanyang bagahe kaya wala umano siyang magagamit

- Sa kabutihang palad, may mga nagpaabot ng tulong sa kanya mula sa iba't-ibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng Facebook page na Sash Factor ang mensahe mula kay Miss Universe Myanmar 2020 na si Thuzar Wint Lwin na namroroblema siya dahil sa pagkawala ng kanyang bagahe.

Ayon sa kanya, naroroon ang karamihan sa kanyang mga susuotin para sa pageant kabilang na ang kanyang evening gown.

Miss Universe Myanmar, problemado matapos mawala ang kanyang bagahe
Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin (@thuzar_wintlwin)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Piolo Pascual, pinasalamatan sina Doc Hayden at Vicki Belo sa kanilang regalo

Wala umano siyang magagamit para sa pageant. Matapos namang mag-viral ang tungkol sa kanyang suliranin, may iilang mga taong nagpaabot ng kanilang mensahe na nais nilang tulungan si Miss Myanmar.

Kabilang ang National Director of Miss Universe Vietnam, National Director of Colombia at Filipino designer ni Rabiya Mateo ang pinasalamatan ng nasabing Facebook page dahil sa kanilang tugon sa problemang ito.

Thank you so much @hoang.tranvietbao National Director of Miss Universe Vietnam, @natalieackermann National Director of Colombia @missuniversecolombiaorg and @kirstenregalado Filipino designer for Rabiya Mateo

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakatakdang maganap ang Miss Universe 2020 sa darating na May 16, 2021 sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, United States. Ang ika-69 na edition ng Miss Universe ay naantala dahil sa pandemya. Nakatakdang ipasa ni Zozibini Tunzi ng South Africa ang korona sa tatanghaling Miss Universe 2020.

Read also

Heart Evangelista, masayang binahagi ang litrato ng kanyang mommy at asawa

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kasama si Miss Universe Myanmar sa kandidatang palaging kasama ng pambato ng Pinas na si Rabiya Mateo. Kamakailan lang ay pinakita ni Rabiya na tinuruan niya ng mga salitang Tagalog sina Miss Japan. Kiss Korea at Miss Myanmar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel