Willie Revillame, nagbigay pugay sa mga OPM artist at comedian na yumao na
- Nagbigay ng isang tribute si Willie Revillame sa mga OPM icons at kilalang komedyante sa bansa na yumao na
- Sila ay pawang mga naging panauhin ni Willie sa "Wowowin" na naging malapit na rin sa kanyang puso
- Kabilang na rito sina Claire Dela Fuente at Le Chazz na pumanaw kamakailan lamang
- Sinabi din ni Willie na bagaman at wala na sila sa mundo, mananatili namang buhay ang mga naiwan nilang alaala
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagbigay pugay si Willie Revillame sa mga batikang OPM singers at mahuhusay na komedyante ng bansa na pumanaw na.
Nalaman ng KAMI na nito lamang Biyernes, Mayo 7, naglaan ng oras si Willie upang bigyan ng tribute ang mga performers na naging bahagi ng kanyang programa na Wowowin.
Ilan sa mga ito ay sina Rico J. Puno na pumanaw noong 2018 at si April Boy Regino na sumakabilang buhay naman noong Nobyembre 2020.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ipinakita pa ang guesting ni April Boy na bagama't halos bulag na ay napakahusay pa ring magtanghal. Iyon din ang pagkakataong nagpasalamat siya kay Willie sa mga tulong na naibigay nito sa kanya.
Kasama rin sa binigyang pugay ng Wowowin si Kim Idol na namaalam lamang nitong nakaraang taong 2020.
Isa si Kim Idol sa mga komedyanteng madalas na maimbita sa Wowowin upang magdagdag kasiyahan sa mga tao.
Maging ang Jukebox Queen na si Claire Dela Fuente ay inalala rin ni Willie lalo na at minsan din itong nagpasaya sa mga studio audience ni Willie nang maging panauhin niya ito.
At siyempre, hindi mawawala ang isa sa mga paboritong stand-up comedian ni Willie na si Le Chazz na pumanaw lamang nitong nakaraang linggo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang showbiz personalities sa bansa, Itinuturing din siyang isa sa mga pinakamayamang artista sa Pilipinas.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kilala rin siya sa pagtulong siya sa mga kababayan nating nangangailangan at kamakailan nga, boluntaryo siyang magpapahatid ng tulong sa napanood niyang jail doctor sa dokumentaryong "I-witness."
Isa rin siya sa mga tumulong sa mga kababayan nating jeepney drivers na ilang buwang nawalan ng trabaho noong nakaraang taon bunsod ng lockdown.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh