24 Oras reporters, hinangaan kung paano naisalba ang "na-suspend" na report

24 Oras reporters, hinangaan kung paano naisalba ang "na-suspend" na report

- Viral ngayon sa social media kung paano naisalba nina Pia Arcangel, Vicky Morales, Atom Araullo ang kanilang report na nagkaroon ng technical issue

- Bigla na lamang nawala sa ere ang report tungkol kay "Baby Consonant" na viral din ngayon

- Agad na naisip ni Vicky na tanungin si Atom tungkol sa kwento ng kanyang pangalan

- Gayundin si Pia na naibahagi kung saan nakuha ang kanyang pangalan habang si Vicky ay magtatanong pa lamang daw sa kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humanga ang marami sa mga 24 Oras reporters na sina Pia Arcangel, Vicky Morales, Atom Araullo dahil sa kanilang ginawang "segue" sa biglang pagkawala sa ere ng isa nilang report.

Nalaman ng KAMI na ito ay tungkol kay baby "Consonant" na may kakaibang pangalan.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, bigla na lamang nawala sa ere ang report at hindi na muling naibalik pa.

Read also

Pinoy couple sa Canada, dalawang beses nanalo sa lotto sa loob ng wala pang isang taon

24 Oras reporters, hinangaan kung paano naisalba ang "na-suspend" na report
Photo: Vicky Morales (@24Oras)
Source: Instagram

Kaya naman agad na lamang na naitanong ni Vicky kay Atom kung bakit nga ba ganoon ang pinangalan sa kanya.

“Ikaw ba Atom, bakit Atom ang pangalan mo?”
“Iyan ay galing sa Alfonso Tomas, pangalan ng dalawa kong lolo.”
“Ah, Alfonso Tomas! Akala ko dahil mahilig ka sa Science. Sabagay mas okay na iyon kaysa ano, puwede ring Toma!”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

At tinanong na rin ni Vicky ang isa pa nilang kasamang news anchor na si Pia Arcangel. Naikwento naman nito na hirap magbuntis ang kanyang ina ngunit tila dininig ni Padre Pio ang kahilingan nito kaya naman "Pia" na ang kanyang naging pangalan.

Samantala, hiyang-hiya namang sinabi ni Vicky na hindi pa niya alam ang kwento sa likod ng kanyang pangalan kaya naman inabisuhan niya ang kanyang ina on-air na agad niya itong tatanungin.

Read also

Ina na 'di alam na siya'y buntis, nagsilang habang nasa flight patungong Hawaii

Dahil dito, bumilib sa kanila ang mga netizens na naaliw pa sa rebelasyon ng mga news anchor tungkol sa kanilang mga pangalan.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang kulit lang nung remarks ni Vicky kay Atom na 'buti hindi Toma', funny side ni Ma'am Vicky 'yun"
"Bravo sa inyong tatlo, o edi naaliw pa rin ang viewers"
"Revelation time tuloy para kina ma'am Pia at sir Atom na inakala ni ma'am Vicky na mahilig sa Science"
"Ang kulit lang ni Ms. Vicky pero she did it very professionally ah"
"Nice one Miss Vicky! wala tuloy dead air tapos nagkaroon pa ng fun facts ang mga nanonood"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, narito ang video clip ng 24 Oras noong Mayo 4 mula sa TikTok video ni (@kpkusanasmith):

Read also

Maja Salvador, apektado daw ang career nang makipagrelasyon kay Gerald Anderson

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Noong nakaraang taon, sa kasagsagan ng kontrobersiya ng pagsasara ng ABS-CBN, hinangaan na rin sina Pia Arcangel, Vicky Morales, Atom Araullo sa pagsusuot nila ng animo'y kulay ng Kapamilya Network.

Napansin ng mga netizens ang mga kasuotan na labis umano nilang na-appreciate ang pakikiisa ng tatlo sa hiling na ma-renew pa rin ang prangkisa ng nasabing network.

Maging ang iba pang batikang broadcast journalist ng Kapuso network tulad ni Kara David ay nagbigay ng pahayag ukol sa natuloy na shutdown na maging siya ay nalulungkot sa sinapit ng istasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel