Maja Salvador, apektado daw ang career nang makipagrelasyon kay Gerald Anderson

Maja Salvador, apektado daw ang career nang makipagrelasyon kay Gerald Anderson

- Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Maja Salvador sa isang panayam

- Ikinuwento nito ang pinagdaanan niya noong naging karelasyon niya si Gerald Anderson

- Nauna nang sinabi ni Maja na walang problema sa kanyang makatrabahong muli si Gerald

- Gayunpaman, noong nagkabalikan na sila ng kanyang dating boyfriend na si Rambo Nuñez, minabuti niyang tanggihan na ang trabaho kung saan makakapareha siya kay Gerald

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na lumikha ng ingay ang mga rebelasyon ni Maja Salvador sa isang panayam sa Entertainment journalist na si G3 San Diego. Kabilang sa kanyang naikwento ay ang tungkol sa kanyang nakaraang relasyon kabilang na ang kanyang relasyon kay Gerald Anderson.

Maja Salvador, binahagi ang dinanas sa pakipagrelasyon nya kay Gerald Anderson
Maja Salvador (@iammajasalvador)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jon Gutierrez, sinabon nang husto ng ina niya kaugnay sa nagawa nito kay Jelai Andres

Ang bahagi nasabing panayam ni G3 ng Mega Entertainment kay Maja ay ibinahagi ng Facebook Page na Kapamilya Online World at ng Fashion Pulis. Dito nabanggit umano ni Maja ang naging epekto ng kanyang relasyon sa aktor.

"Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in love kami sa isa't isa. Pero siguro yung mahirap na sa umpisa pero parang andiyan na eh! Alam mo yung ganon? Pero alam mong nag-struggle kami dalawa, individualy. Kasi ako gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami pa yung commercials niya. Ako talaga as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement."

Sinabi din ni Maja na minabuti niyang tanggihan na lamang ang isang proyekto kung saan magkakatrabaho sana sila ni Gerald. Ito ay dahil na rin isinaalang-alang niya ang mararamdaman ng kanyang kasalukuyang boyfriend na si Rambo Nuñez.

Matatandaang naging maingat si Maja pgdating sa pagbibigay komento kaugnay sa relasyong Gerald at Julia. Sa isang ulat ng ABS-CBN News, tumangging magbigay ng komento si Maja noong mga panahong bago pa lang ang isyu ng hiwalayang Gerald at Bea Alonzo.

Read also

Kris Aquino at Bimby, sinorpresa si Miles Ocampo sa kaarawan nito

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Maja Salvador ay isang aktres, performer, recording artist at product endorser. Sumikat siya dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw. Sa katunayan binansagan siyang Queen of the dance floor.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang isa si Maja Salvador sa lumipat sa TV5 matapos tuluyang ibasura ang franchise renewal ng ABS-CBN. Nagkaroon siya ng Sunday noontime show na Sunday Noontime Live! sa TV5 na tumagal lamang ng tatlong buwan. Matapos ang pagkakansela ng kanilang show, nanatiling positibo ang pananaw sa buhay ng aktres.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel