Jon Gutierrez, sinabon nang husto ng ina niya kaugnay sa nagawa nito kay Jelai Andres

Jon Gutierrez, sinabon nang husto ng ina niya kaugnay sa nagawa nito kay Jelai Andres

- Ibinahagi ni Jon Gutierrez ang naging pag-uusap nila ng kanyang inang nasa ibang bansa

- Pinapauwi nito ang anak para maalagaan umano niya ito kung magpapaopera si Jon ng kanyang paa

- Todo sermon din ang inabot ni Jon sa ina na noong una umano ay hindi pabor na magpakasal sina Jon at Jelai Andres dahil sa tingin niya ay hindi pa handa ang anak

- Naiyak pa ito habang binabahagi kay Jon na nasasaktan siya sa mga masasamang sinasabi ng ibang tao sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang video na binahagi ni Jon Gutierrez sa kanyang YouTube channel, pinakita niya ang naging pag-uusap nila ng kanyang inang kasalukuyang nasa ibang bansa.

Lingid sa kaalaman ng kanyang ina, ni-record ni Jon ang kanilang naging pag-uusap.

Jon Gutierrez, sinabon ng husto ng ina niya kaugnay sa nagawa nito kay Jelai Andres
Jelai Andres and Jon Gutierrez (@easymoneybadger)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Melai Cantiveros, inaming binayaran niya ang bill ng kuryente nina Francine Diaz

Matinding panenermon ang inabot ni Jon sa nanay niya na inaming noon palang nagdesisyong magpakasal sina Jon at Jelai ay humiling pa siya ng dalawang taon pa dahil sa tingin niya ay hindi pa handa ang anak.

Nangako naman si Jon na aayusin niya ang kanyang pamilya. Hindi napigilang maiyak ng kanyang ina dahil ang gusto niya lang umano para sa kanyang anak ay magkaroon ito ng kanyang sariling pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakilala sina Jelai Andres at Jon Guttierez dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

Read also

Toni Fowler at Rob Moya, posibleng magharap sa "Raffy Tulfo in Action"

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nagbahagi ng kanyang reaction si Jelai matapos lumabas ang ilang ibedensiya na umano'y nag-uugnay kay Jon sa isang Viva artist.

Inabangan din ang mga pahayag ni Jon sa kanyang guesting sa Mars pa More kung saan nagkwento siya tungkol sa kanila ni Jelai.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel