Melai Cantiveros, inaming binayaran niya ang bill ng kuryente nina Francine Diaz

Melai Cantiveros, inaming binayaran niya ang bill ng kuryente nina Francine Diaz

- Hindi na naitanggi ni Melai Cantiveros ang tungkol sa ginawang pagtulong niya noon kay Francine Diaz

- Ito ay noong nagsisimula pa lamang sa pag-aartista si Francine at hindi pa gaanong kilala sa showbiz

- Ayon kay Melai, hindi naman iyon big deal dahil nakiusap lang umano ang ina ni Francine sa kanya

- Aniya kaya niya ginagawa iyon para dumami din ang ma-inspire na tumulong dahil gusto niya umano ibahagi ang blessing na binigay sa kanya ng panginoon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Melai Cantiveros, hindi naman big deal para sa kanya ang nagawang pagtulong noon sa dalagang si Francine Diaz noong nagsisimula pa lamang ito sa pag-aartista.

Nakiusap lang umano ang ina ni Francine kaya tinulungan niya sa pagbayad ng kanilang bayarin.

Melai Cantiveros, inaming binayaran niya ang bill ng kuryente nina Francine Diaz
Melai Cantiveros (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kris Aquino at Bimby, sinorpresa si Miles Ocampo sa kaarawan nito

Kwento pa ni Melai, kahit ang mga meryenda nila noon ay inuuwi talaga ng dalaga para sa kanyang mga kapatid dahil para sa kanila malaking bagay na iyon.

Dagdag pa niya, ibinabahagi lamang niya ang binigay na biyaya sa kanya ng Panginoon.

Marami naman ang lalong humanga kay Melai dahil dito:

Melai is really generous. Ang dami na niya natulungan na palihim lang. Pag bday lang nalalaman ng marami dahil nagpapasalamat sa kanya.
Yes talaga melai dati working student ako at may tumulong talga sa akin ang sabi nila sa akin di bali nang di mo kami balikan basta tumulong karin sa iba na gusto makapatapos
Nasan na po ung basher n melai na galit kc d d bnbgyan n melai ng pang tuition ung pamangkin nya,.gusto n melai sa mga kapatid nya na Breadwinners cla lahat d lng Breadwinner

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Julia Barretto, inaming fan siya ng kanyang tita Claudine Barretto

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, nag-viral ang pagbigay ni Melai ng sasakyan sa asawang si Jason. Ibinahagi ni Jason ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang social media account.

Samantala, Itinuturing ni Melai na "best" birthday gift para sa kanya ang video greeting mula sa idolong si Kristine Hermosa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel