Julia Barretto, inaming fan siya ng kanyang tita Claudine Barretto

Julia Barretto, inaming fan siya ng kanyang tita Claudine Barretto

- Sa isang panayam ay sinagot ni Julia Barretto ang tanong kung anong reaksiyon niya sa bansag sa kanyang "The young Claudine"

- Ayon kay Julia, gustong gusto niya marinig ang bansag na iyon sa kanya lalo at nakita niya kung gaano ka hardworking at dedicated ang kanyang tita noong bata pa siya

- Hindi din niya ikinailang hinangaan niya si Claudine Barretto kaya naman masayang-masaya siyang matawag na young Claudine

- Matatandaang nagkaroon ng hidwaan ang pamilyang Barretto kabilang na si Julia at ang kanyang tita na si Claudine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang panayam sa "Gabi ng Bading: The Podcast" nabanggit ni Julia Barretto ang tungkol sa kanyang paghanga sa kanyang tiyahin na si Claudine Barretto.

Ito ay sa kabila ng mga hindi kaaya-ayang pangyayari sa kanilang pamilya noong pumanaw ang kanyang lolo.

Read also

Kris Aquino, sinupalpal ang netizen na nagpatutsada sa kanyang pagtulong

Julia Barretto, inaming fan siya ng kanyang tita Claudine Barretto
Julia Barretto and Gerald Anderson (@juliabarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang bahagi ng panayam ay naitanong kay Julia kung ano ang reaksiyon niya nang bansagan siyang "The Young Claudine Barretto" noong nag-umpisa pa lamang siya sa showbiz.

Hindi ikinaila ni Julia na gustong-gusto niya itong marinig dahil fan umano siya ni Claudine. Aniya, bukod sa tiyahin niya si Claudine, nakita niya ang pagiging hardworking nito at dedication sa kanyang trabaho.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa sinabi ni Julia.

Sana magkaaus n kayo ni Tita Claudine mo Julia. Ikw ang lumapit sa kanya para mag sorry kasi alam mo mahal na mahal ka Ng Tita Clau mo. Sana alam mo yun. Sobra siya nasaktan ng nagkaaway kayo.
Ang saya naman. Sana maging simula na ito ng kanilang pag-aayos dahil dati talagang malapit sila sa isa't-isa.

Read also

Mariel Padilla, pinasilip ang kanyang headband collection

Nakakatuwa naman si Julia na sa kabila ng mga nangyari ay hindi siya nag-deny na fan siya ni Claudine.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ng komedyanteng si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto. Nagsimula siya sa showbiz bilang si Anna Calugdan sa fantaseryeng "Kokey" sa ABS-CBN. Dahil sa galing niya sa pag-arte ay naging bahagi siya ng maraming mga serye at pelikula.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia.

Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia.

Read also

Kaye Abad, inaming type noon si Paolo Contis ngunit ayaw ng nanay nito sa kanya

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel