Mariel Padilla, pinasilip ang kanyang headband collection

Mariel Padilla, pinasilip ang kanyang headband collection

- Ipinasilip ni Mariel Padilla ang koleksiyon niya ng kanyang mga headbands sa kanyang YouTube channel

- Amindao si Mariel na kahit noong bata pa lamang siya ay nahilig na siya sa pagsusuot ng headbands

- Napagpasyahan niyang pagbigyan ang kanyang mga subscribers na lagi umanong nagtatanong tungkol sa mga agaw-pansin niyang headbands

- Isa-isang pinakita ni Mariel ang koleksiyon niya at kung saan niya ito nabili o kung sino ang nagbigay sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minabuti ni Mariel Padilla na pagbigyan ang kanyang mga subscribers at followers sa pangungulit ng mga ito tungkol sa kanyang mga headbands.

Sa isang panibagong YouTube video ay pinasilip ni Mariel ang kanyang koleksiyon ng headband na ayon sa kanya ay pinapagamit niya rin sa dalawang anak niyang sina Isabella at Gabriella.

Mariel Padilla, pinasilip ang kanyang headband collection
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sam Pinto, pinasilip ang kanyang walk-in closet at ang kanyang bag collection

Ayon kay Mariel kahit noong bata pa lamang siya ay nakahiligan niya na talaga ang mga headbands. Nang makapasok siya sa mundo ng showbiz, palagi ding kasama sa kanyang OOTD ang headbands na ayon sa kanya ay nagbibigay sa kanya ng pakiramdam na parang nakukumpleto nito ang gusto niyang look.

Ibinahagi din ng TV host kung saan niya nabili ang ilan sa mga pinakapaborito niya sa mga ito. Napakwento na rin siya kung paano napunta sa kanya o kung sino ang nagbigay ng ilan sa mga headbands na gustong-gusto niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Read also

Kaye Abad, inaming type noon si Paolo Contis ngunit ayaw ng nanay nito sa kanya

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel