Sam Pinto, pinasilip ang kanyang walk-in closet at ang kanyang bag collection

Sam Pinto, pinasilip ang kanyang walk-in closet at ang kanyang bag collection

- Ibinahagi ni Sam Pinto ang isang closet tour at maging ang kanyang koleksiyon ng mga bags ay kanyang pinakita

- Pinaliwanag din ni Sam ang dahilan kung bakit kakaunti na lamang ang kanyang mga bags na nakalagay sa kanyang closet

- Ibinenta niya umano ang mga bags niya at ang mga itinira niya ay ang kanyang mga ginagamit talaga at kailangan

- Nagbigay din ng mga tips si Sam kung paano mag-organize ng mga gamit base sa kanyang ginagawa sa kanyang closet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang closet tour ang binahagi ni Sam Pinto para sa kanyang mga YouTube subscribers. Ito ay ang kanyang closet sa bagong condo unit nila ng asawang si Anthony Semerad.

Kabilang din sa kanyang pinakita ay ang kanyang koleksiyong bags na hindi gaanong marami kagaya sa karamihang koleksiyon ng ibang mga artista.

Read also

Jennica Garcia, 'di napigilang maging emosyonal sa kanyang pinagdadaanan

Sam Pinto, pinasilip ang kanyang walk-in closet at ang kanyang bag collection
Photo from Sam Pinto Semerad (@sampinto_)
Source: Instagram

Paliwanag ni Sam, nang lumipat na sila sa condo, minabuti niyang ang mga bags na kailangan niya at ginagamit niya talaga ang kanyang ititira para na rin makatipid sa space.

Ibinenta niya na umano ang mga bags niya dahil naalikabukan lang ito dahil hindi naman niya nagagamit lahat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para naman sa pag-organize ng mga gamit, nagbahagi ng ilang tips si Sam kagaya ng paggamit ng isang hanger lamang para sa maliliit na damit.

Isa din umano sa kanyang paraan ng pag-aayos ng mga damit niya ay base sa kulay nito. Mula sa light papunta sa dark na kulay na mga damit.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sam Pinto ay unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Double Up. Taong 2011 at 2012 nang nanguna siya sa FHM Philippines'list.

Read also

Miss Universe Russia 2020 Alina Sanko, humingi ng dispensa kaugnay sa viral video

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang kamakailan ay ikinasal sina Sam at Anthony sa isang civil ceremony kasama ang mga malalapit na kaibigan at pamilya.

Nauna nang ibinahagi ng aktres na dalawang beses ang magiging kasal nila. Matapos ang kanilang civil wedding ay ikakasal pa silang muli para naman makadalo ang iba pa nilang mga mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel