Mariel at Robin Padilla, pinagawaan ng apartment ang kanilang mga kasama sa bahay

Mariel at Robin Padilla, pinagawaan ng apartment ang kanilang mga kasama sa bahay

- Ibinahagi ni Mariel Padilla ang ginawa nila ng asawang si Robin Padilla para sa kanilang mga kasama sa bahay

- Upang sumunod sa mga health protocols ay mahigpit nilang binabantayan ang paglabas at pagpasok ng mga kasama sa kanilang bahay

- Minabuti nilang ipagawa umano ng apartment ang mga pamilya ng kanilang kasambahay para mas mapalapit sila

- Abot-abot naman ang pasasalamat ng kanilang mga kasama sa bahay kabilang na ang isang midwife na naninilbihan sa kanila sa loob ng tatlo at kalahating taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Mariel Padilla ang ginawa nilang mag-asawa para sa kanilang mga kasambahay. Dahil sa kanilang pag-iingat, mahigpit nilang sinusunod ang quarantine protocols. Ingat na ingat sila sa mga taong nakakasama sa kanilang bahay kaya halos walang nakakalabas at nakakapasok sa kanilang mga kasama sa bahay.

Lolo, kinagiliwan sa social media matapos makabingwit ng parcel sa baha

Dahil malayo ang mga pamilya ng kanilang mga kasambahay, minabuti nilang ipagawa umano ng apartment ang mga ito upang hindi na mag-alala sa kanilang mga pamilya.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng kanilang mga kasama sa bahay kabilang na ang isang midwife na naninilbihan sa kanila sa loob ng tatlo at kalahating taon dahil sa libreng pabahay na natanggap nila mula sa mag-asawa.

Mariel at Robin Padilla, pinagawaan ng apartment ang kanilang mga kasama sa bahay

Robin Padilla (Photo from Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagkaroon ng idea ang mag-asawa na ipagpagawa ng bahay ang kanilang mga kasambahay nang magpadala sila ng ayuda nang magsimula ang coronavirus pandemic.

Nang makita ni Robin ang tinitirhan ng mga kasambahay nila, nagpagawa siya ng apartment sa compound ng Museo Padilla. Dito lumipat ang pamilya ng kasambahay nila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Vice Ganda, ibinahagi ang video ng hagupit ng Bagyong Ulysses sa Balesin

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila ni Robin sa Wowowee kung saan naging pansamantalang host ang actor. Nanatiling katoliko si Mariel kahit pa naikasal na siya kay Robin na isang Muslim.

Sa naunang ulat, ibinahagi ni Mariel ang kanyang suporta sa ABS-CBN at sa It's Showtime. Inalmahan niya din ang patutsada sa kanya kaugnay sa umano'y kawalan nito ng suporta sa Kapamilya network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel