Ina na 'di alam na siya'y buntis, nagsilang habang nasa flight patungong Hawaii

Ina na 'di alam na siya'y buntis, nagsilang habang nasa flight patungong Hawaii

- Isang ina ang bigla na lamang napaanak sa eroplano nang siya ay patungo sa Hawaii

- Ang mas nakakagulat pa rito, hindi raw alam ng ina na siya pala ay nagdadalang tao

- Mabuti na lamang, may mga nurse siyang nakasabay sa flight kaya naman maayos niyang nailuwal ang sanggol

- Inabot pa ng tatlong oras bago tuluyang nakarating sa kanilang destinasyon at agad silang sinalubong ng emergency team na idiniretso sila sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang ina ang hindi inaasahang nanganak sa kalagitnaan ng kanyang flight patungong Hawaii.

Nalaman ng KAMI na hindi raw alam ng ina na si Lavinia Tiana Mounga na siya ay nagdadalang tao.

Ayon sa Fox 11 Los Angeles, kasalukuyan noong nasa Delta flight mula Salt Lake City sa US state ng Utah si Mounga nang bigla itong mag-labor.

Read also

Jon Gutierrez, pinagtanggol ang asawang si Jelai Andres sa ina niya

Ina na 'di alam na siya'y buntis, nagsilang habang nasa flight patungong Hawaii
Photo: GoFundMe/Lavi’s Airborn Baby
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tila sinuwerte ang inang ito dahil tatlo sa mga kasakay niyang pasahero ng naturang flight ay pawang mga neonatal intensive care unit nurses at isang family doctor.

Agad nilang dinala ang ginang sa palikuran ng eroplano kung saan maayos na nailuwal ang sanggol.

Pinangalanan ang baby boy na si Raymond Kaimana Wade Kobe Lavaki Mounga.

Isa raw itong "miracle baby" ayon sa kanilang mga kaanak kasama na ang kanyang ama na hindi pa rin siya nakikita.

Tatlong oras pa ang itinagal ng kanilang flight bago makarating sa Honolulu at agad naman silang sinalubong ng emergency team na nagdiretso sa kanila sa ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Jon Gutierrez, sinabon nang husto ng ina niya kaugnay sa nagawa nito kay Jelai Andres

Sa Pilipinas, matatandaang nag-viral ang isang frontliner noong Agosto ng nakaraang taon matapos na tumulong na magpaanak sa isang ginang na inabot sa kalsada.

Hindi nagdalawang isip ang nurse na tulungan ang ginang kahit na late na siya sa kanyang duty.

Bukod sa mga papuring natanggap, kinilala,binigyang parangal at nakatanggap din ng mga hindi inaasahang biyaya ang nurse na si Lorraine Pingol.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel