Jon Gutierrez, pinagtanggol ang asawang si Jelai Andres sa ina niya

Jon Gutierrez, pinagtanggol ang asawang si Jelai Andres sa ina niya

- Sa kabila ng naging palitan nila ng maanghang na salita kamakailan sa social media, pinagtanggol ni Jon si Jelai Andres sa kanyang ina

- Ito ay matapos siyang pagalitan ng kanyang ina kaugnay sa paglalabas nila ng kanilang problema sa publiko

- Ani Jon, kasalanan naman niya at malamang ay napuno na lang ang kanyang asawa sa kanyang nagawa

- Matatandaang nagkahiwalay na rin ang mag-asawa noon ngunit unti-unti silang nagkaayos at kinalaunan ay naudlot din ang kanilang pagbabalikan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala nang nagawa si Jon Gutierrez nang sermonan siya ng kanyang ina kaugnay sa gulong nangyayari sa kanila ng kanyang asawa. Humingi ito ng dispensa sa kanyang ina at nangakong susubukan niyang ayusin ang kanyang pamilya.

Jon Gutierrez, pinagtanggol ang asawang si Jelai Andres sa ina niya
Jelai Andres and Jon Gutierrez (@easymoneybadger)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jon Gutierrez, sinabon nang husto ng ina niya kaugnay sa nagawa nito kay Jelai Andres

Kabilang sa nabanggit ng nanay ni Jon ay ang tungkol sa pagsisiraan nilang mag-asawa sa social media. Aniya, dahit naman ay nagagawa nilang ayusin ang problema nila nang sila lang ang nag-uusap.

Pinagtanggol naman ni Jon ang nagawa ni Jelay na maglabas ng saloobin sa social media. Aniya, napuno narin siguro ito dahil maraming beses niya na itong nasaktan at nadala na.

Tinanggihan din ni Jon ang sinabi ng kanyang ina na pumunta na lamang ito doon sa kanya para maalagaan niya ito kapag nagpaopera na ng kanyang paa.

Katwiran ni Jon, hindi niya maaayos ang kanyang pamilya kapag umalis siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakilala sina Jelai Andres at Jon Guttierez dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Read also

Kim Chiu, natawa na lang nang mahulog sa entablado ng It's Showtime

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nagbahagi ng kanyang reaction si Jelai matapos lumabas ang ilang ibedensiya na umano'y nag-uugnay kay Jon sa isang Viva artist.

Inabangan din ang mga pahayag ni Jon sa kanyang guesting sa Mars pa More kung saan nagkwento siya tungkol sa kanila ni Jelai.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel