Kim Chiu, natawa na lang nang mahulog sa entablado ng "It's Showtime"

Kim Chiu, natawa na lang nang mahulog sa entablado ng "It's Showtime"

- Natawa na lamang si Kim Chiu matapos muntik na namang madisgrasya dahil sa pagkakahulog sa entablado ng "It's Showtime"

- Ito ay naganap habang nakikipag-usap sila sa isang kalahok sa Tawag ng Tanghalan

- Mabuti na lamang at mababa lang ang kanyang kinatatayuan kaya hindi siya natumba

- Matatandaang ilang beses nang nangyari ito kay Kim sa kanyang mga performance sa "ASAP"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Habang nag-uusap sila Kim Chiu, Vice Ganda at isang Tawag ng Tanghalan contestant, tumugtog sa background ang isang nakakaindak na tugtog kaya napasayaw ang aktres.

Hindi nito natantiya ang kanyang gagalawan kaya nahulog siya sa kanyang kinatatayuan. Gayunpaman, mababa lamang ito kaya hindi naman nasaktan si Kim.

Kim Chiu, natawa na lang nang mahulog sa entablado ng It's Showtime
Kim Chiu (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Toni Fowler at Rob Moya, posibleng magharap sa "Raffy Tulfo in Action"

Matapos ang pangyayari, natawa na lamang si Kim at maging ang kanyang co-host na si Vice Ganda. Ani Vice, naranasan niya na rin daw ito.

Matatandaang ilang beses nang nahuhulog sa entablado si Kim lalo na sa kanyang performance sa ASAP. Gayunpaman, laging tinutuloy ni Kim ang kanyang performance anuman ang mangyari.

Hirit tuloy ng netizens, iba din ang tatag talaga ni Kim. Matatandaang matindi ang pinagdaanan nito noong 2020 matapos maging biktima ng pamamaril ang kanyang van. Sa kabutihang palad ay hindi siya nasaktan.

Naging tampulan din ng pambabatikos ang kanyang pahayag kaugnay sa pagkakasara ng ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother teen edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Read also

Mari Fowler, hindi pinalampas ang pagbanggit sa pangalan ni Tyronia

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.

Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel