Kim Chiu, pinasilip ang kanyang boots collection sa unang pagkakataon

Kim Chiu, pinasilip ang kanyang boots collection sa unang pagkakataon

- Ibinahagi ni Kim Chiu ang kanyang koleksiyon ng mga boots na kanyang ginagamit sa kanyang mga TV shows

- Ayon kay Kim, naalala niyang noong nag-uumpisa pa lamang siya ay wala siyang boots na magamit

- Kung ano ang suot niya sa rehearsals ay yun din daw ang suot niya sa kanyang performance mismo

- Kaya naman, nang kumita na siya ay bumili siya ng mga boots at naging koleksiyon niya ang mga iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinasilip ni Kim Chiu ang kanyang koleksiyon ng mga Thigh-high boots na kanyang nabili sa kanyang kita mula sa kanyang mga TV shows at iba pang proyekto.

Isa-isa niyang pinakita ang mga ito, mula sa pinakamatagal niya nang boots hanggang sa pinakapaborito niyang suotin.

Kim Chiu, pinasilip ang kanyang boots collection sa unang pagkakataon
Kim Chiu (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

KC Concepcion, nakipag-bonding sa kanyang mga half-sisters

Naibahagi din ng aktres na noong nagsisimula pa lamang siya ay wala siyang boots na maisuot hindi kagaya ng mga nakasabayan niya noon.

Aniya kung anong sapatos ang ginamit niya sa kanilang rehearsal, yun din mismo ang sapatos na gagamitin niya sa kanyang performance.

Kaya naman, tandang-tanda niya ang kauna-unahang boots na kanyang nabili sa isang tindahan na nagbebenta ng mga boots.

Kwento niya pa, noong mga panahong iyon, bihira pa lang ang mga nagbebenta ng ganoong uri ng sapatos.

Ibinahagi din ni Kim kung paano niya napapanatiling maayos tingnan ang kanyang mga boots. Naglalagay umano sila ng silica get sa loob ng mga ito para maprotektahan ito laban sa moisture.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother teen edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Read also

Yeng Constantino, ibinida ang kanyang paggawa ng DIY na higaan ng mga pusa niya

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang nabatikos ang aktres kaugnay sa kanyang statement sa kasagsagan ng issue ng franchise renewal ng ABS-CBN kung saan nabuo ang kanyang awiting 'Bawal Lumabas.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel