Yeng Constantino, ibinida ang kanyang paggawa ng DIY na higaan ng mga pusa niya

Yeng Constantino, ibinida ang kanyang paggawa ng DIY na higaan ng mga pusa niya

- Masayang ibinahagi ni Yeng Constantino ang kanyang paggawa ng higaan ng kanyang dalawang pusa

- Mula sa pagsusukat hanggang sa pagbili ng mga materyales ay ginawa ni Yeng sa tulong ng kanyang asawang si Yan Asuncion

- Hindi ininda ni Yeng nang napukpok niya ang kanyang daliri habang ginagawa ang double deck na higaan ng kanyang mga alaga

- Hindi rin maitago sa kanyang mukha ang tuwa nang higaan ng kanyang mga pusa ang kanyang ginawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa si Yeng Constantino ng double deck na higaan para sa kanilang mga alagang pusa. Sa tulong ng kanyang asawang si Yan Asuncion, pinakita ni Yeng mula sa pagsusukat, pagbili ng materyales at pagbuo ng higaan.

Yeng Constantino, ibinida ang kanyang paggawa ng DIY na higaan ng mga pusa niya
Yeng Constantino (@yeng)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Beauty Gonzalez, binahaging isinugod sa ospital ang asawa dahil sa COVID-19

Napukpok pa nito ang kamay habang binubuo ang kanyang DIY double deck bed ng kanyang mga pusa. Saglit siyang natigil ngunit tinuloy nya pa rin ang pagbuo nito.

Nang matapos niya na ang double deck, ipinakita niya kung ano ang ginawa ng mga pusa matapos niya itong ipasok sa kanilang bahay.

Bakas sa mukha ni Yeng ang tuwa nang makitang umupo doon ang kanyang mga pusang sina Remus at Romulus.

Narito ang reaksiyon ng mga netizens na nakapanuod ng video na ito ni Yeng.

Ang cute nung double deck nila. Bigla ako ginanahan gumawa kaso po gabi na. At least po may sarili na silang bed hehe! Thank You Ate Sa Vlog , Thank You Po Sa Tawa kahit hingal na hingal ako sa pagpipigil .
Napatawa mo po kami ate at kuya!!!! Nakakahawa po tawa niyo
Bilib na bilib si kuya Yan sa idea kung paano susukatin si remus at romolus hahahaha ayos!

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinahagi ang video ng kanilang intimate wedding

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Yeng Constantino ay isang mang-aawit na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang asawa.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa si Yeng sa nagpakita ng kanyang matinding pagsuporta sa kaibigang si Angeline Quinto nang pumanaw ang ina nitong si Mama Bob. Hindi maiwasang bumilib ni Yeng sa kaibigan sa pinamalas nitong katatagan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel