Beauty Gonzalez, binahaging isinugod sa ospital ang asawa dahil sa COVID-19

Beauty Gonzalez, binahaging isinugod sa ospital ang asawa dahil sa COVID-19

- Ibinahagi ni Beauty Gonzalez ang matinding pinagdaanan ng kanyang pamilya kamakailan

- Isinugod umano ang asawa niyang si Norman Crisologo sa ospital matapos itong mag-positibo sa COVID-19

- Ayon kay Beauty, hindi niya alam ang kanyang gagawin dahil hindi naman niya pwedeng puntahan ang asawa

- Gayunpaman, gumaling din ito at nakauwi na sa kanila ng anak nilang si Olivia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Beauty Gonzalez na maging sila ay hindi nakaligtas sa bagsik ng COVID-19. Ito ay matapos mag-positibo ang asawa niya sa COVID at kinailangan itong isugod sa ospital.

Beauty Gonzalez, binahaging isinugod sa ospital ang asawa dahil sa COVID-19
Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sila na lamang ng kanyang anak na si Olivia sa bahay, aminado si Beauty na hindi niya na alam ang kanyang gagawin noong mga panahong iyon.

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinahagi ang video ng kanilang intimate wedding

Wala siyang nagawa kundi manalig na lamang at manalangin. Dahil hindi naman niya pwedeng puntahan sa ospital ang asawa, nag-antay na lamang siya at umasang gagaling ang asawa at muli nilang makakapiling.

It felt like my world was ending and i didn’t know how or why, all i could recall were the statistics and death tolls i’ve heard this entire year, how sometimes unbelievable they were and now how real they have suddenly become. I didn’t know what to do. He couldn’t breath, pneumonia, anything and everything was a possibility with this unstudied desease. No cure , no sure treatment was the only sure thing.

Hanggang sa tumawag umano ang asawa niya at bakas sa boses nito na pagod ito. Gayunpaman, sinabi nitong magiging maayos din ang lahat.

Gumaling din ito at nakauwi na sa kanilang mag-ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Manny Pacquiao sa mga suspek ng Asian attacks sa Amerika: "Ako labanan mo, duwag!"

Si Beauty Gonzalez ay unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother:Teen Edition. Ikinasal siya sa asawang si Norman Crisologo at sila ay nabiyayaan ng isang anak na babae.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kilala si Beauty bilang prangka at palaban pagdating sa paglaban sa kanyang pinaniniwalaan. Kamakailan ay sinupalpal ni Beauty ang isang netizen na binatikos ang kanyang ibinahaging picture na nakasuot ng swimming attire.

Sinagot niya rin ang isang netizen na kumuwestiyon sa litratong ibinahagi niya na tungkol sa police training niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel