Manny Pacquiao sa mga suspek ng Asian attacks sa Amerika: "Ako labanan mo, duwag!"
- Naglabas ng mensahe si Senator Manny Pacquiao patungkol sa mga Asian attacks na nagaganap partikular na sa Amerika
- Ito ay dahil sa patuloy na pag-atake sa mga Asyano dahil umano sa paniniwalang sila ang nagkakalat ng COVID-19
- Makailang beses nang may naiulat na labis na nasasaktan ang mga Asyano partikular na ang mga senior citizen
- Ilang mga kababayang Pinoy na rin ang lubhang napahamak sa sinasabing diskriminasyon na talamak sa Amerika maging sa Canada
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Buong tapang na naglabas ng mga posters na may mabibigat na mensahe si Manny Pacquiao sa kanyang social media pages.
Nalaman ng KAMI na ito ay patungkol sa nagaganap na "Asian attacks" sa Amerika gayundin sa Canada.
We have one color in our Blood! Stop discriminating. LOVE AND PEACE TO EVERYONE!! #StopAsianHate
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ito ang mensahe ni Manny na nakasulat sa wikang Filipino, English, Chinese at Korean.
Sa wikang Filipino, makikita pa ang salitang "duwag" sa poster.
Bagaman at tila isang paghamon ang mensahe ni Pacquiao, isa lamang itong panawagan na itigil na ang diskriminasyon partikular na sa mga Asyano sa ibang bansa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao ay isang Filipino professional boxer at politician at kasalukuyang naglilingkod bilang isa sa mga senador ng Pilipinas. Kilala siya sa boxing sa tawag na "PacMan" at isa siya sa itinuturing na "greatest professional boxers of all time."
At bilang kilala na siya sa buong mundo, hindi na napigilan ni Pacquiao na manahimik na lamang sa mga nangyayaring pananakit sa mga Asyano sa Amerika.
Ilan pa sa mga ito ay mga kababayan nating Pinoy na senior citizen na sobrang natakot sa naranasan nilang diskriminasyon.
Pinaniniwalaang ginagawa ito sa mga Asyano dahil sinasabing sila ang pangunahing pinagmulan ng nagpapahirap ngayon sa buong mundo, ang COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh