19-anyos na Fil-Am sa California, nabulag ang 1 mata matapos pagbabarilin

19-anyos na Fil-Am sa California, nabulag ang 1 mata matapos pagbabarilin

- Isang 19-anyos na Filipino-American ang nabulag ang isang mata matapos pagbabarilin

- Naganap ang krimen noong umaga ng Marso 21 sa San Francisco, California

- Bagama't hindi pa masasabing 'hate crime' ito, naniniwala ang pamilya ng biktima na ito ay may kinalaman sa lumalalang krimen laban sa mga Asian

- Bukod dito, nagpositibo rin sa COVID-19 ang dalaga habang nasa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabulag ang kanang mata ng isang 19-anyos na Filipino-American sa California matapos pagbabarilin.

Kinilala ang biktima na si Jessica Dimalanta, mula sa Vallejo, California.

Batay sa report ng Yahoo News, nangyari ang krimen sa isang intersection sa Quint St at Oakdale Ave., noong umaga ng Marso 21.

19-anyos na Fil-Am sa California, nabulag ang 1 mata matapos pagbabarilin
Photo: GoFundMe Page
Source: UGC

Ayon sa ulat, galing sa isang car stunt shows at papunta sa isa pang sideshows kasama ang apat na kaibigan.

Read also

Ellen Adarna, emosyonal sa wedding proposal ni Derek Ramsay

Nang biglang pagbabarilin nang mga suspek na sakay ng isang itim na sasakyan.

Bukod kay Dimalanta, sugatan din ang isa nitong kaibigan habang ligtas naman ang tatlong iba pa, base sa report ng Manila Bulletin.

Ayon sa tiyuhin ni Dimalanta na si Dexter Martin, tinamaan ang kanang mata ni Dimalanta na permanente nang mabubulag.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dinala ang mga biktima sa UCSF Mission Bay Hospital at kalaunan ay inilipat si Dimalanta sa San Francisco General Hospital.

"While doctors were able to remove the shell, fragments still are embedded in her face, and she is unable to chew and speak without pain," anito sa isang statement niya sa isang online fundraising platform.

"Jessica will need medical care, is afraid for her life, and does not want to go outside because she fears something else is going to happen to her," dagdag pa nito.

Read also

Pinoy priest, isa sa mga nagde-develop ng tableta kontra COVID-19

Bukod dito, nagpositibo sa COVID-19 ang dalaga na nauna nang na-diagnose na mayroong diabetes.

Base naman sa report ng Daily Mail, hindi pa masabi ng mga awtoridad kung ito ay may kaugnayan sa hate crime laban sa mga Asian.

Pero naniniwala ang pamilya ni Dimalanta na ito ay isa sa mga lumalalang kaso ng krimen laban sa mga Asian.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan lang nang maiulat ang tungkol sa pag-atake sa isang 59-anyos na Fil-Am sa San Francisco.

Sa isa pang report ng KAMI, isa pang 74-anyos na Pinoy ang hinihinala ring biktima ng hate crime sa Arizona na ikinamatay nito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Read also

Jon Gutierrez, nag-react sa "paulit-ulit nalang mga palabas" post ni Skusta Clee

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone