Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinahagi ang video ng kanilang intimate wedding

Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinahagi ang video ng kanilang intimate wedding

- Kinumpirma na nina Jessy Mendiola ang tungkol sa lumabas na bali-balitang naikasal na sila

- Sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Jessy ang video ng kanilang intimate wedding

- Ginanap ang kanilang civil wedding sa The Farm at San Benito sa Lipa City, Batangas

- Matatandaang lumabas ang balita matapos ang ilang litrato nila at ang singsing na suot ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa wakas ay isinapubliko na nina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang tungkol sa kanilang pagpapakasal. Dinaluhan ito ng malalapit nilang kaibigan at pamilya ngunit limitado lamang ito.

Makikita rin ang ina ni Luis na si Vilma Santos sa video na ibinahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel.

Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinahagi ang video ng kanilang intimate wedding
Jessy Mendiola and Luis Manzano (@luckymanzano)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Couple goals! Dingdong, nag-post ng lambing moments nila ni Marian

Makikita sa ibinahaging video na parehas silang naging emosyonal habang naglalakad si Jessy papunta kay Luis na nag-aantay sa kanya.

Gayunpaman, hindi nawala ang pagiging palabiro ni Luis maging nang banggitin niya ang kanyang wedding vows.

Bahagi ng vow ni Jessy ay ang kanyang pangakong magiging malakas para kay Luis kapag dumating ang panahong manghina ito sa mga kakaharapin nilang problema.

“I promise, that if you grow weak, I will fight your battles for you.”

Narito ang kanilang wedding video:

Hindi napigilang kiligin ng mga tagahanga at tagasuporta ng dalawa:

You can feel the love all over the place, intimate indeed. I'm just crying and laughing the whole time. Congratulations Jessy & Luis! So happy for the both of you.
“I promise, that if you grow weak, I will fight your battles for you.” - Tagos na vow. So far ito na line pinaka gusto ko sa lahat ng vows narinig ko.

Read also

Richard Gutierrez, pinagsabihan ang pamangkin na si Lorin Bektas dahil sa suot nito

Grabe yung iyak ni Luis ♥️ Ang ganda ng place, ganda ng suot ni jessy simple pero may dating. Congratulations sa inyo pong dalawa

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos isapubliko nina Luis at Jessy ang tungkol sa kanilang engagement, agad itong naging usap-usapan dahil sa mga espikulasyon at reaksiyon ng mga netizens. Kaya naman sa isang panayam ay nilinaw ng dalawa na Oktubre pa naganap ang proposal ni Luis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel