Couple goals! Dingdong, nag-post ng lambing moments nila ni Marian

Couple goals! Dingdong, nag-post ng lambing moments nila ni Marian

- Sweet na sweet ang celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa latest IG story ng aktor

- Talaga namang nagpakilig ang dalawa sa kanilang lambingan moment na ibinahagi ni Dong

- Kamakailan lang nang maging usap-usapan ang mga ito dahil sa kontrobersiyang kinaharap ni Dong at ng aktres na si Lindsay de Vera

- Ngunit mariin na itong itinanggi ni Lindsay at tinawanan lang ni Marian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mukhang lalanggamin ang celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang sweetness na ibinahagi ng Kapuso Primetime King sa kanyang latest Instagram story.

Talaga namang kikiligin ang "DongYan heart" natin dahil sa kanilang harutan at lambingan moments.

Kita ang happiness sa dalawa na enjoy na enjoy sa kanilang bonding.

Couple goals! Dingdong, nag-post ng lambing moments nila ni Marian
Photo: Dingdong Dantes (@dongdantes)
Source: Instagram

Matatandaang kamakailan lang nang maharap sa kontrobersiya ang dalawa matapos masangkot si Dingdong sa isyu.

Read also

Ellen Adarna, emosyonal sa wedding proposal ni Derek Ramsay

May mga kumalat kasing balita na diumano'y nabuntis nito ang young actress na si Lindsay de Vera, na isa ring Kapuso.

Nagkasama ang dalawa sa ilang TV series ng GMA Network.

Sa gitna nito, matapang na humarap si Lindsay sa publiko at mariing itinanggi ang isyu.

Ang misis naman ni Dong na si Marian, tinawanan lamang ang isyu.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Ay hindi dyuskoday. Natatawa nga kami ni Dong. Sabi ko, ‘Talagang ngayon pang lockdown na nakasama kita ng buong buwan ha.’
“Well lahat naman ng artista posible naman na machismis. Hindi naman mawawalan ng chismis ang pagiging artista. Hayaan mo na lang. Ang mahalaga naman alam niyong dalawa kung anong meron kayo.
“Deadma lang ako. Basta nag-aasaran lang kaming dalawa tapos sabi niya, ‘O nakita mo ba yung chismis sa akin? Sabi ko, ‘Oo nakakatawa.’ Tawang tawa talaga ako. Niloloko ko siya, ‘Ano ba yan, ang dami pang buntis buntis, beke naman ako na yung susunod diyan?’ Sabi kong ganun sa kanya. So tawa siya ng tawa. As in nakakatawa lang," ayon pa kay Marian sa isang panayam dito.

Read also

Miss Grand International PH, lalong hinangaan dahil sa kanyang mga sagot sa Q&A

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Dingdong Dantes ay isa sa pinakasikat na aktor sa Pilipinas ngayon. Siya ay kasal na sa aktres na si Marian Rivera at may dalawang anak, sina Maria Letizia Dantes o Zia at Jose Sixto Dantes IV o Ziggy.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel