Luis Manzano, nilinaw na engagement shoot ang naganap sa Amanpulo

Luis Manzano, nilinaw na engagement shoot ang naganap sa Amanpulo

- Muling nilinaw ni Luis Manzano ang dahilan kung bakit sila bihis na bihis at tila handang handa sa ibinahaging mga litrato

- Ito ay matapos lumabas ang samu't-saring mga reaksiyon ng mga netizens tungkol sa kanilang engagement

- Nilinaw niyang pag-celebrate na lamang ang kanilang ginawa dahil noong Oktubre pa naganap ang kanyang pagpropose

- Matatandaang isinapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang engagement nito lamang Sabado, December 12, 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nilinaw ni Luis Manzano ang naganap na engagement shoot sa Amanpulo. Ito ay matapos lumabas ang mga reaksiyon ng mga netizens patungkol sa kanilang ibinahaging mga litrato kamakailan bilang pagsasapubliko ng kanilang engagement.

Nilinaw niyang pagcelebrate na lamang ang kanilang ginawa dahil noong Oktubre pa siya nag-propose kay Jessy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matet at Lotlot de Leon, Nagpahayag ng pagsuporta kay Ian de Leon
Luis Manzano, nilinaw na engagement shoot ang naganap sa Amanpulo

Jessy Mendiola and Luis Manzano during their vacation in Paris, France. Photo from Jessy Mendiola (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Sa isang Facebook Live, nilinaw ni Luis na engagement shoot ang naganap at hindi prenup shoot. Pinasalamatan niya rin ang mga nagko-congratulate sa kanila ng fiancée na si Jessy Mediola.

Isinapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang engagement nito lamang Sabado, December 12, 2020 kasabay ng pagbabahagi ng ilang mga litrato na kuha sa tabing dagat sa Amanpulo.

Matatandaang nilinaw nila sa isang panayam na hindi iyon ang mismong araw ng engagement.

Ginawa na lamang nila ang photoshoot para sa kanilang announcement at para ipagdiwang na rin ang kanilang engagement.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Luis Manzano ay isa sa pinakakilalang TV host at Game show host sa bansa. Ilan sa mga game niya ay ang Minute to Win It, Your Voice Sounds Familiar at Family Feud. Bukod sa pag ho-host, nakilala din siya sa pag-arte sa pelikula at telebisyon. Anak siya ng batikang aktres na si Vilma Santos at ng dati nitong partner na si Edu Manzano.

Elha Nympha, hot topic sa social media dahil sa kanyang swimsuit photos

Matatandaang ilang beses nang napapabalita na engaged na ang dalawa dahil sa singsing na suot ni Jessy sa ilang mga pagkakataon.

Nagkaroon din ng litratong lumabas kung saan makikitang nagsusukat siya ng wedding dress. Gayunpaman, nilinaw ni Jessy na kuha iyon sa isang pelikulang kanyang ginawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel