Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman

Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman

Karamihan sa ating mga paboritong artista, ang pag-angat mula sa kahirapan patungong kasikatan ay hindi madali.

Dumaan sila sa maraming pagsubok at kahirapan na dahilan para sila ay magtrabaho ng maaga at mag-juggle ng kanilang oras sa pagitan ng mga proyekto.

Spotted ng KAMI ang lima (5) sa mga Kapamilya stars na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa pamamagitan ng kanilang pagtatiyaga, talento, at pagpupursigi, at sa tulong na rin ng mga mabubuting tao sa paligid nila, nakamit nilang ang tagumpay at maginhawa at marangyang buhay na kanilang nararanas ngayon.

At lahat ng kanilang mga sakripisyo ay nasuklian.

Nabigyan nila ng magandang buhay ang kani-kanilang pamilya, at ang maganda umano sa mga matagumpay na mga artistang ito ay hindi nila nkakalimutan na ibahagi ang kanilang mga blessings sa ibang tao at manatiling mapagkumbaba.

Ginagamit nila umano ang kainlang kasikatan at talento sa pag-inspire sa lahat na huwag sumuko sa kanilang mga pangarap at huwag tumigil na maniwala sa kanilang sarili.

Kaya ngayon, ating kilalanin ang 5 sa mga Kapamilya stars na ito na nagbigay inspirasyon at pag-asa sa kanilang kapwa para magsumikap at umunlad sa buhay.

1. Jericho Rosales

10 years old pa daw ang aktor na gumaganap sa sikat na karakter na Lino sa Kapamilya TV series Halik na si Jericho Rosales nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Bago pa umano pumasok sa showbiz naging fish vendor, jeepney driver, at delivery boy muna daw si Echo.

Nag-umpisa ang kanyang showbiz career nang pinanalo niya ang Mr. Pogi ng Eat Bulaga noong 1996.

Ngayon, isa na sa mga batikan, award-winning, at bankable Kapamilya actors si Jericho Rosales.

2. Karla Estrada

Ayon naman sa ABS-CBN, kung saan una naming naispatan ang listahang ito, kinailangan daw na dumaan ni Karla Estrada ang sobrang daming pagsubok sa buhay bago pa man makilala ngayon bilang si Queen Mother.

Namulat sa yaman daw ang Kapamilya star pero nang mamatay ang kanyang lolo ay nagbago ang lahat.

Sinubukang mapasok sa showbiz kahit ayaw daw ng kanyang ina at nakapasok nga si Karla sa That's Entertainment at doon nagsimula ang kanyang karera.

Ngayon, isang proud mother ang Magandang Buhya host sa isa sa pinakasikat na Kapamilya stars sa henerasyon ngayon na si Teen King Daniel Padilla.

3. Coco Martin

Ang lead star naman ng FPJ's Ang Probinsyano na si Coco Martin ay unang nagtrabaho sa maraming klaseng trabaho bago man ito kilalanin na Prince of Indie Films.

Nagtrabaho umano ang isa sa Kapamilya superstars bilang isang waiter, barista, janitor, OFW, at marami pang iba.

Sumikat si Coco sa paggawa ng mga indie films at ngayon, kilala ang Kapamily actor bilang ang King of Primetime Drama at King of Philippine Television.

4. Julia Montes

Isinilang naman daw si Julia Montes sa Pandacan, Manila sa isang Pinay na ina at German na ama.

Ani pa sa balita ng source news outlet, iniwan raw sina Julia at ang kanyang 'deaf mom' ng kanyang ama noong baby pa umano siya.

Kaya naman raw ay naiwan siya at ang kanyang ina sa pangangalaga ng kanyang lola.

Sa murang edad ay nagsimula na umano si Julia na sumali sa mga auditions.

Kalaunan ay naging commercial model ito at nagpapakita na sa TV para makatulong sa kanyang pamilya.

At naging mainstay sa Goin Bulilit, at sa edad na 17 years old ay nagkaroon na siya ng kanyang sariling bahay.

Nakilala na rin niya ang kanyang ama at ngayon ay kilala na si Julia bilang isa sa mga paboritong aktres ng Kapamilya fans.

5. Vice Ganda

Ang Unkabogable Phenomenal Superstar na si Vice Ganda ay may malayo-layo at mataas na pag-akyat mula sa baba hanggang sa rurok ng tagumpay ngayon.

Inamin raw ni It's Showtime host sa Magandang Buhya na ang kanyang pamilya ay nagbebenta na ngayon ng mga basahan.

Dahil sa pagpanaw ng kanyang ama, napilitan umano ang kanyang ina na manrabaho sa ibang bansa bilang isang caregiver.

Sa unang TV appearance umano niya ay nagpahayag na raw ito na gustong maging isang TV host, at ngayon nga ay isa na siya sa pinakasikat na TV host sa kanyang mga shows gaya ng GGV at It's Showtime.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin