Yeng Constantino, napabilib sa katatagan ng kaibigang si Angeline Quinto

Yeng Constantino, napabilib sa katatagan ng kaibigang si Angeline Quinto

- Ibinahagi ni Yeng Constantino kung gaano niya hinahangaan ang katatagan ng kaibigang si Angeline Quinto

- Ito ay matapos niyang puntahan ang kaibigan upang damayan sa pagpanaw ng ina nitong si Mama Bob

- Kinuwento ni Yeng kung paano sila pinatawa ni Angeline sa kabila ng kanyang dinaranas na kalungkutan

- Tiniyak ni Yeng na lagi siyang naroroon para sa kanyang kaibigan at patuloy umano nilang ipagdadasal na unti-unting humupa ang sakit na nararamdaman nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dinamayan ni Yeng Constantino ang malapit na kaibigang si Angeline Quinto na ngayon ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang inang kilala ng publiko sa tawag na Mama Bob.

Ayon kay Yeng, nakuha pa silang patawanin ni Angeline sa kabila ng pagdadalamhati nito. Ipinahayag din niya ang kanyang paghanga sa katatagan ng kaibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bianca Gonzalez, nagbigay ng payo sa kagaya niyang may acne problems

Tiniyak niyang lagi silang handa upang damayan si Angeline kung may mga araw na manghina ito.

Ito yung taong grabe ang pinagdadaanan pero nakuha pang patawanin kami kanina. Nauna ang luha pero umalis kaming at peace ang puso dahil alam naming napakatatag mong tao Angge @loveangelinequinto! Basta dito lang kami for you para masandalan mo sa pagkakataon na ito kung may mga araw na manghina ka. We will continue to pray for you para unti unti ding humupa ang sakit at matira ay ang magagandang alaala nyo ni Mama Bob. ❤️ We love you Gege!

Si Yeng ay isa lamang sa malalapit na kaibigan ni Angeline sa showbiz. Makikita sa ibinahaging litrato ni Yeng na kasama niya ang kaibigan din nilang si Eric Santos sa kanyang pagdalaw kay Angeline.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Yeng Constantino, napailib sa katatagan ng kaibigang si Angeline Quinto

loveangelinequinto/Instagram
Source: Instagram

Si Angeline Quinto ay isang sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang nakilala sa mundo ng entertainment nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Iwa Motto, nagpasalamat na ligtas sila ng pinagbubuntis matapos ang minor accident

Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa mang-aawit matapos lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang kinikilalang ina na si Mama Bob.

Marami ang naantig sa mensahe ng pamamaalam ni Angeline para sa pinakamamahal na ina.

Matatandaang hiniling ng mang-aawit sa mga netizens na isama sa kanilang panalangin ang kanyang ina noong nakaraang buwan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel