Nurse na nagpaanak sa kalsada, late na raw sa trabaho ngunit nagawa paring tumulong

Nurse na nagpaanak sa kalsada, late na raw sa trabaho ngunit nagawa paring tumulong

- Hinangaan ang nurse sa Makati na nagawang magpaanak sa isang nanay na walang tirahan at inabutan na sa kalsada

- Late na raw sa kanyang duty ang nurse ngunit nang madaanan niya ang inang nanganganak, hindi niya ito nahindian

- Tila itinadhana raw talaga ma-late siya ng gising dahilan para ma-late siya sa trabaho upang matulungan ang ina

- Nagpasalamat din siyang maayos niyang naisagawa ang pagpapaanak na hindi rin basta magawa ng rumespondeng barangay rescue team

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nurse na nagpaanak sa kalsada, late na raw sa trabaho ngunit nagawa paring tumulong
Nurse Lorrainne Pingol (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Matapos na hangaan dahil sa pagpapaanak sa isang ina sa kalsada, nilahad ng nurse na si Lorrainne Pingol ang detalye ng kanyang pagtulong.

Nalaman ng KAMI na late na nagising si Lorraine, kaya naman huli na siya ng isang oras sa kanyang shift.

Gayunpaman, tulad ng kanyang nakagawian, naglakad pa rin siya papasok sa pinapasukang ospital.

Doon, tinawag siya ng nadaanang mga barangay rescuers ng Bangkal sa Makati upang humingi ng tulong.

Nakita niya ang ina na nakahandusay sa gilid ng kalsada at manganganak na.

"Sabi ko sa sarili ko, 'bakit hindi pa nila sinugod sa ospital? Ano'ng hinihintay nila, sino pa hinihintay nila dito?" kwento ni Lorrainne sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

Mabuti na lamang at nakapag-asiste na siya sa doktorang nagpapaanak, kaya naman ginamit niya ang kaalaman upang maisagawa niya ng maayos ang paglalabas ng sanggol.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Malaking bagay din na hindi naging komplikado ang lagay ng ina habang nanganganak. Nanatili itong kalmado na ayon sa kanya ay upang makapag-isip siya ng maayos lalo pa at buhay ang nakataya sa kanyang ginagawa.

"I think it was an easy delivery case at thankful ako 'don kasi kung complicated iyong pregnancy ng nanay tapos ganun yung environment, it would be harder for me and for anyone else to handle the situation," dagdag pa ni Lorrainne.

Humanga ang mga rescuers dahil hindi talaga iniwan ni Lorrainne ang bagong panganak hanggang sa dumating ang ambulansya.

Saka pa lang naglakad muli papasok sa trabaho si Lorrainne.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agosto 18 nang mag-viral ang larawan ni Lorrainne habang tinutulungan ang inang wala pala talagang tahanan kaya naman napaanak na lamang sa lansangan.

Nakunan din ng video ang eksenang ito at makikitang hidi talaga matatawaran ang hirap at sakripisyo ng mga nurse, doktor at iba pang fronliners may pandemya man o wala.

"May sinumpaan kami, yung 'Good Samaritan'. Wherever you are, kahit outside of work ka, kapag may nangailangan (sa iyo), in the name of humanity you have to help because you're a nurse," pagtatapos ni Lorrainne.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica