GMA News journalist Kara David, nagbigay ng pahayag ukol sa ABS-CBN shutdown

GMA News journalist Kara David, nagbigay ng pahayag ukol sa ABS-CBN shutdown

- Naglabas ng saloobin ang sikat na journalist ng GMA network na si Kara David ukol sa naging desiyon ng kongreso sa di na muling pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN

- Tahasang nagbigay respeto si David sa mga kasamahaan niya sa media kahit pa ito ay mula sa katunggaling istasyon

- Sinabi rin niyang ipinagdarasal pa rin niya ang kapakanan ng mga kasamahan niya sa media na mula sa Kapamilya network

- Maging ang ilang Kapuso stars at Kapuso news anchor ay nalungkot din sa muling pagsasara ng higanteng istasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

GMA News journalist Kara David, nagbigay ng pahayag ukol sa ABS-CBN shutdown
Kara David
Source: Facebook

Tahasang nagbigay ng respeto ang kilalang journalist ng GMA network na si Kara David sa lahat ng kasamahan niya sa media partikular sa mga empleyado ng ABS-CBN.

Sa kanya mismong tweet, inihayag niya ang kalungkutang kanya ring nadarama sa araw kung saan naglabas na ng desisyon ang kongreso ukol sa pag-renew ng prangkisa ng Kapamilya network.

Mensahe ng pagpapakatatag din ang hatid niya sa mga "kaibigan" niya sa katunggaling istasyon at sinabi niyang patuloy pa rin niyang ipagdarasal ang mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tulad na lamang ng naging extro ng late news program ng Kapuso network ang Saksi kung saan pinakita ng bahagya ang larawan ng kabilang istasyon matapos sabihin nina Pia Arcanghel at Raffy Tima ang mga katagang "'Para sa Malayang Pilipino, kaisa kami ng lahat sa pagiging Saksi."

Pumukaw ito sa puso ng maraming Pilipino na nagpapatunay na lamang na sa panahon ng kagipitan, nagdadamayan pa rin ang sinasabing mahigpit na magkalabang istasyon.

Bilang bahagi pa rin ng iisang industriya, pinatunayan nilang sila ay nagkakaisa para lamang mapaglingkuran ng patas at makatotohanan ang ating mga kababayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng tweet ni Kara David.

Hulyo 10 nang maganap ang botohan ng mga kongresista kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN.

11 lamang sa mahigit 80 na kongresista ang sumang-ayon na bigyan pa ng pagkakataon ang Kapamilya network na magbigay serbisyo sa publiko. Kabilang na rito ang dating aktres na si Congresswoman Vilma Santos Recto.

Samantala, 70 naman sa mga kongrsista ang tumutol na sa pag-renew pa ng prangkisa ng isa sa higanteng istasyon ng bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica