Larawan ng mga GMA news anchors na suot ang kulay ng ABS-CBN, kinagiliwan ng netizens

Larawan ng mga GMA news anchors na suot ang kulay ng ABS-CBN, kinagiliwan ng netizens

- Mabilis na nag-viral ang larawan nina Pia Arcangel, Vicky Morales at Atom Araullo na ang kulay ng mga suot ay ang kulay ng logo ng ABS-CBN

- Napuna ito ng mga netizens matapos na maging kontrobersyal ang di umano'y expiration ng prangkisa ng malaking television network

- Nakatakdang mag-renew dapat ng prangkisa ang ABS-CBN sa susunod na buwan ngunit bago pa ito maganap, mismong ang Pangulong Duterte ang hayagang nagsasabi na hindi raw niya ito hahayaang mangyari

- Naghain na rin ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Calida sa korte suprema upang kanselahin ang prangkisa ng ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang larawan ng mga GMA news anchors na ang mga kasuotan ay may kulay ng logo ng ABS-CBN.

Binahagi ng Inquirer.net ang larawan nina Pia Arcangel, Vicky Morales at Atom Araullo na nakasuot ng pula, berde at asul na pawang mga kulay ng nasa logo na kabilang istasyon.

Naging mainit ito sa mata ng mga netizens dahil sa kontrobersiya na kinakaharap ng ABS-CBN dahil sa expiration ng kanilang prangkisa sa susunod na buwan.

"Did... did the 24 Oras reporters really wear ABS-CBN’s theme colors??? Is this a coincidence??? Is this media solidarity??? My heart is soft." ang caption sa orihinal na post na binahagi ni Robert Terranz.

Tila positibo ang mensaheng nahagip ng netizens sa pagsusuot ng mga GMA news anchor ng mga naturang kulay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang iba pang mga kuro-kuro at ilan sa mga komento ng netizens:

"Mag kakaibigan naman mga reporters and actress ng dlwang network, mga tao lang talaga nag papalaki ng issue, hayaan natin na ma resolba ang problema ng abscbn network wag na tayo mag gatong ng mga kung ano ano pa"
"This is a battle not only for the ABS-CBN management, but also for the 104 million Filipinos on different corners of the world; because the freedom of the press is the freedom of the country and its people."
"I guess this is to show support not to shutdown the network, magkakasama sila sa iisang industriya suportahan sila"
"This is a positive gesture, please don't take it negatively. Magkakaibigan sila di natin alam there might be a competition sa network pero sa artist and employees wala malamang"

2019 pa lamang nang maging usap-usapan ang expiration ng prangkisa ng ABS-CBN dahil sa hayagang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahadlangan niya ang renewal ng prangkisa ng naturang istasyon.

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel