Komedyante sa 'Wowowin' na si Le Chazz, sumakabilang buhay na

Komedyante sa 'Wowowin' na si Le Chazz, sumakabilang buhay na

- Pumanaw na ang isa sa mga kilalang stand up comedian sa bansa na si Le Chazz

- Ilan sa mga kasamahan nito sa industriya ang nagbahagi ng nakalulungkot na balita

- Bumuhos din ang pakikiramay sa naiwang pamilya ng yumaong komedyante

- Kilala si Le Chazz bilang isa sa mga co-host ni Willie Revillame sa "Wowowin"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na ang stand-up comedian na si "Le Chazz" na may tunay na pangalan na Richard Vargas Yuzon ngayong araw, Mayo 1.

Nalaman ng KAMI na marami sa mga kasamahan niya sa industriya ng pagpapatawa ang nagbahagi ng nakalulungkot na balita.

Isa ang Filipino Entertainment Writer na si Jobert Sucaldito sa nagkumpirma ng nakalulungkot na balita.

Komedyante sa 'Wowowin' na si Le Chazz, sumakabilang buhay na
Photo: Richard Vargas Yuzon (Le Chazz Nightingale)
Source: Facebook

Bahagi si si Le Chazz ng programang "Wowowin" bilang co-host ni Willie Revillame.

Bago pa ito, naging Kapamilya rin si Le Chazz ng Star Magic ng ABS-CBN kung saan napabilang din siya sa "Banana Split".

Read also

Ilang Sariaya farmers, personal na nagbahagi ng gulay sa community pantry sa QC

Laman din siya ng mga comedy bar kaya naman marami ang nakakikilala sa kanya bilang isa sa mga mahuhusay na stand-up comedian ng bansa.

Sa tagal ng panahong na nakikita siya sa iba't ibang shows mapa-telebisyon man o sa mga local at international gig niya, marami ang nakapansin ng pagbagsak ng kanyang katawan na sinasabing dahil sa diabetes.

Maging sa ulat ng GMA News, hindi pa rin nabanggit ang dahilan ng pagkamtay ng komedyante.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang isa sa mga huling episodes kung saan nagbahagi ng kasiyahan si Le Chazz sa Wowowin:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

2 tanod na itinuturo sa pagkamatay ng isang curfew violator, bumagsak sa lie detector test

Taong 2019 nang dalawa sa mga kilalang komedyante sa bansa ang namaalam.

Isa na rito si Domingo Vusotros Brotamante Jr. o mas kilala bilang si Bentong na inatake sa puso at pumanaw noong Pebrero 9, 2019 sa edad na 55. Sinasabing isa rin sa nagpahirap kay Bentong ang pagkakaroon niya ng diabetes.

Gayundin halos ang nangyari kay Chokoleit. Nagpaka-propesyunal na pa ito na kahti mayroon nang nararamdaman, ay sumalang pa rin sa entablado sa kanyang show sa Abra.

Bigla na lamang nitong nilisan ang stage ng mas maaga, inatake sa puso at 'di nagtagal ay pumanaw na agad. Marso 9, 2019 naman siya pumanaw sa edad na 46.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel