Marco Gumabao, di napigilang mag-react matapos mabatikos ng haters

Marco Gumabao, di napigilang mag-react matapos mabatikos ng haters

- Matapos ibahagi ni Donnalyn Bartolome ang ikalawang bahagi ng kanyang vlog, napag-alamang na-prank pala siya nina Marco Gumabao at Super Tekla

- Dahil dito ay marami ang nag-react matapos maasar kay Marco dahil napaniwala sila sa acting nito

-Ani Marco, maglalabas din siya ng kanyang official statement kaugnay sa isyu ng nag-trending na vlog ni Donnalyn

- Matatandaang kabilang sila Marco at Super Tekla sa mga vloggers na inimbitahan ni Donnalyn para makilahok sa kanyang challenge na "Last to leave the pool wins 1 million pesos"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumabas na ang totoong pangyayari sa likod ng kontrobersiyal na vlog ni Donnalyn Bartolome. Ang inakala ng karamihan na pambabastos nina Marco Gumabao at Super Tekla kay Donna ay prank lamang pala.

Marco Gumabao, maglalabas ng official statement matapos mabatikos ng haters
Marco Gumabao (@gumabaomarco)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Rob Moya, pinasalamatan ang babaeng dumamay umano sa kanya sa kanyang pinagdaanan

Dahil sa nasabing vlog, umani ng pambabatikos sina Marco at Tekla. Gayunpaman, wala pang nilalabas na pahayag si Marco kaugnay sa isyu.

Si Tekla naman sa kabilang banda ay minabuting magsalita kaugnay sa mga natanggap na pambabatikos. Gayunpaman, sa kanyang video na binahagi kung saan kasama niya si Donita Nose, hindi muna nito sinabi na prank lamang pala nila ni Marco iyon kay Donnalyn.

Ayon kay Marco, maglalabas din siya ng kanyang official statement. Binati din nito ang mga haters na talaga namang gigil na gigil kay Marco noong hindi pa nalamang prank pala iyon kay Donna.

Marco Gumabao, maglalabas ng official statement matapos mabatikos ng haters
Marco Gumabao (@gumabaomarco IG Story)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Marco Gumabao ay nakilala bilang isang aktor, modelo at negosyante. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay She's Dating the Gangster (2014) at Just the Way You Are (2015).

Read also

Donekla, nilinaw ang iba pang ganap sa "1M challenge" vlog ni Donnalyn Bartolome

Naging bahagi din siya ng mga teleseryeng Forevermore (2014–15), Pusong Ligaw (2017–18), at Ang Probinsyano (2017).

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos nga ibahagi ni Donnalyn ang kanyang kontrobersyal na vlog, binura niya ito ngunit ibinalik niya rin at agad na nag-trending sa YouTube.

Hindi naman napigilang mag-komento ni Marco sa nasabing vlog.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel