Donekla, nilinaw ang iba pang ganap sa "1M challenge" vlog ni Donnalyn Bartolome

Donekla, nilinaw ang iba pang ganap sa "1M challenge" vlog ni Donnalyn Bartolome

- Muling naglabas ng video ang "Donekla in Tandem" kaugnay sa kontrobersyal na "1M challenge vlog ni Donnalyn Bartolome

- Matatandaang umalma si Tekla nang bigla na lamang itong ma-out sa challenge gayung sinunod naman niya ang rules ni Donnalyn

- Dahil dito, naglabasan ang ilang mga komento ng netizens na nakapanood ng challenge kung saan naakusahan si Tekla nang hindi maganda

- Nilinaw nina Donita Nose at Super Tekla ang iba pang mga detalye sa naturang challenge at nagbigay na rin sila ng mensahe sa mga humusga sa kanilang pagkatao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-live ang 'Donekla in Tandem' na binubuo nina Donita Nose at Super Tekla ngayong Huwebes, Mayo 13 kaugnay pa rin sa kontrobersyal na "1 Million Peso challenge" sa vlog ni Donnalyn Bartolome.

Nalaman ng KAMI na nagbigay umano ng ilan pang saloobin ang 'Donekla' kaugnay sa nangyari sa nasabing vlog.

Read also

Donnalyn Bartolome, binura ang video sa YouTube dahil sa mga kaibigang napikon

Matatandaang umalma sina Super Tekla at Marco Gumabao na biglang na-out sa challenge sa 'di nila malamang dahilan gayung sumusunod naman daw sila sa rules.

Donekla, binigyang linaw ang iba pang nangyari sa "1M challenge" vlog ni Donnalyn Bartolome
Photo: Super Tekla and Donita Nose (Donekla in Tandem)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, nakatanggap ng hindi magagandang akusasyon si Super Tekla na naguluhan lamang sa rules na umano'y pabago-bago.

Ngunit sa umpisa ng pinakabagong video ng Donekla, nilinaw agad ni Donita Nose na alam nilang may challenge si Donnalyn sa collab video ngunit hindi nila alam na may premyo pala at isang milyong piso pa.

Gayunpaman, binigay pa rin ng dalawa ang kanilang makakaya huwag lamang sumuko agad sa naturang challenge. Naisip din ni Tekla na sakaling siya ang palarin, marami siyang matutulungan sa laki ng premyo.

Super Tekla: "Hindi po in a way na mukha akong pera, kumikita po ako ,may kabuhayan naman po ako, mayroon po akong regular job na aside po dito sa pagba-vlog, I have a regular contract sa GMA... competitive lang po ako"

Read also

Vlogger, nagpanggap na pulubi na nais makausap ang nanay niya ngayong Mother's Day

Kaya naman masakit para kay Tekla na matuligsa umano ng netizens base sa nakita nila sa komedyante sa kontrobersyal na vlog.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Donekla in Tandem YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Kilala rin si Super Tekla sa kanilang YouTube channel na "Donekla in Tandem" kung saan kasama niya ang kapwa komedyante na si Donita Nose. Mayroon na silang 2.65 million subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Naging maingay ang pangalan ni Super Tekla nang masangkot sa kontrobersiya dahil sa mga akusasyon ng dati niyang live-in partner na si Michelle.

Read also

24 Oras reporters, hinangaan kung paano naisalba ang "na-suspend" na report

Sa dami nang mga nangyari sa kanya, tuluyan na niyang nilisan ang kanilang condominium upang makalimot na rin sa mag masasalimuot na kaganapan doon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel