Vlogger, nagpanggap na pulubi na nais makausap ang nanay niya ngayong Mother's Day

Vlogger, nagpanggap na pulubi na nais makausap ang nanay niya ngayong Mother's Day

- Sa Mother's Day vlog ni "Foreigngerms", nagpanggap siya na nais niyang makausap ang kanyang ina

- Gamit ang kanyang karatula na "Tulong, tawag nanay ko" may ilang mga nakapansin sa kanya

- May mga magbibigay din ng tulong sa kanya, pagkain at pera ngunit ang nais niya ay makahiram ng cellphone na kunwaring pantawag sa kanyang ina

- Ang mga nakapansin sa kanya at nagpahiram ng cellphone ay kanya rin namang binigyan ng biyaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umayon sa okasyon ang naisip ng vlogger na si Foreigngerms kung saan nagpanggap siya na nais niyang makausap ang ina ngayong Mother's Day.

Nalaman ng KAMI na nagpapanggap na talaga bilang pulubing foreigner ang vlogger subalit ngayon, "tawag" ang hiling niya sa mga nadaraanan siya.

Gamit ang karatulang "Tulong, tawag nanay ko", may ilan namang nagmalasakit na lapitan siya at tanungin kung ano ang kanyang kailangan.

Read also

Video ng paglalambing ng anak sa kanyang ina, nagpaluha sa maraming netizens

Vlogger, nagpanggap na pulubi na nais makausap ang nanay niya ngayong Mother's Day
Photo: Sam Ousta (@Foreigngerms)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ang ilan ay nag-aabot pa sa kanya ng pera na kanilang nakayanang ibigay. Mayroon ding nag-abot sa kanya ng pagkain.

Subalit ayon kay Foreigngerms, mas nais niyang makausap ang ina para batiin ito ng Mother's Day.

Nakatutuwang isipin na marami sa ating mga kababayan ang nagtiwala na ipahiram ang kanilang cellphone sa vlogger kahit na nagpanggap itong pulubi.

Kaya namang bilang pabuya sa kabaitan ng mga ito, nagbigay din si Foreigngerms ng pera sa mga taong tumulong sa kanya.

Ang ilan pa nga ay tumatanggi sa kanya ngunit pilit niya itong iniaabot.

At ang isa pang hiling na pabor ng vlogger sa mga nakasalamuha niya ay ang tawagan din ng mga ito ang kanilang nanay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Basel Manadil, sinurpresa ang isa niyang aplikante na kanya munang na-prank

Narito ang kabuuan ng vloger mula sa Foreigngerms YouTube channel:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Sam Ousta ay mula sa Syria ngunit nananatili na sa Pilipinas sa loob ng 15 taon. Isa siya sa mga content creator sa bansa na pawang pagtulong sa mga kababayan nating Pilipino ang kanyang ginagawa. Mas kilala bilang si "Foreigngerms" sa kanyang YouTube channel at mayroon na siyang 440,000 subscribers.

Tulad ni Sam, isa rin sa mga kilalang vlogger sa bansa ay si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer." Hilig din ni Basel ang tumulong sa mga Pinoy at ang isa sa mga natulungan niya kamakailan ay ang mga jeepney at bus drivers na nabigyan niya ng "ayuda".

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica