Basel Manadil, sinurpresa ang isa niyang aplikante na kanya munang na-prank
- Isa na namang kababayan natin ang natulungan ng vlogger at businessman na si Basel Manadil
- Una muna niyang na-prank ang aplikante at sinabing hindi ito natanggap sa trabaho
- Naluha ang aplikante at malungkot na lumisan sa opisina ng vlogger
- Ngunit nang kanya itong pinabalik, doon na niya isiniwalat ang mga surpresa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muli na namang nakapagbigay tulong ang vlogger at businessman na si Basel Manadil sa isa nating kababayan na naghahanap ng trabaho.
Nalaman ng KAMI sa pinakabagong vlog ni Basel o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer", ginawa niya ang "Kasambahay prank."
Nag-interview ng isang aplikante si Basel na kanyang nagawan ng prank.
Dati raw itong saleslady ng mga damit at kumikita ng Php200 sa isang araw. Nagtatrabaho raw siya para makatulong sa kanyang ina.
Dahil dito, sinabi ni Basel na hindi raw ito tanggap sa trabaho dahil sa kakulangan nito sa experience.
Naluha pa sa lungkot ang aplikante at maayos namang umalis sa opisina ni Basel.
Ngunit ilang segundo pa lamang nang ito ay makaalis, agad siyang ipinatawag pabalik.
Sinabi ni Basel na maari siyang matanggap sa trabaho na pagiging kasambahay.
Tinanggap naman ito ng aplikante at ibinida pa ang mga kaya niyang lutuin.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Isinama pa siya ni Basel sa sinasabi nitong "bonggang" kwarto ng mga kasambahay.
Pero bago matapos ang vlog, ibinunyag na ni Basel na hindi kasambahay ang papasukan ng aplikante. Isa na siya sa magiging bahagi ng YOLO Retro Diner, ang isa sa mga negosyo ni Basel.
Bukod pa rito, permanente na agad siya sa trabaho at mayroon na agad siyang bonus.
Halos hindi makapaniwala ang aplikante na labis na nagpasalamat kay Basel.
Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ilan sa mga grupo na kanyang natulungan ngayong pandemya ay ang mga jeepney at bus drivers gayundin ang mga masu-swerteng delivery riders na nabigyan niya ng tulong pinansyal.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh