Tinderong nagtutulak ng mga panindang gamit sa bahay, pinagmalasakitan ng netizens
- Isang tindero ng mga kagamitan sa bahay ang natulungan ng isang business owner
- Naibahagi ng negosyanteng ito sa kanyang TikTok ang pagtulong sa tindero na matiyagang nagtutulak ng paninda
- Inakala ng negosyante na may kalabaw na siyang naghihila sa kariton ng tindero kaya laking gulat niya nang makita na wala
- Dahil sa viral ang TikTok video, marami rin ang nagparating ng tulong sa tindero
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nadaanan ng business owner ng Posh Bags PH na si Crystal Jacinto ang isang tindero na matiyagang nagtutulak ng kanyang mga panindang gamit sa bahay.
Nalaman ng KAMI na nagulat na lamang si Crystal nang makita ang tindero sa gitna ng init ng araw.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa kanyang Tiktok video, ipinakita ni Crystal (@csj0807) ang video ng tinawag niyang "Manong Masipag."
"Hala guys, tingnan niyo naman si kuya akala ko may kalabaw 'yun pala, wala!"
Laking gulat daw ni Crystal nang makita na ang mabigat na tila isang kariton na puno ng mga nilalakong kagamitan sa bahay ay tulak-tulak lamang ng lalaki.
"GRABE! This is no joke.. inuubos nya ang mga paninda bago umuwi.. kung san sya abutan ng gabi dun na sya sa kariton matulog."
Labis na nahabag si Crystal sa kalagayan ng tindero na kitang-kita niya ang pagod.
Bilang tulong, namili si Crystal ng mga paninda nito at pinasobrahan pa niya ang bayad.
At dahil sa nag-viral ang kanyang post, marami ang naantig ang puso at nagpaabot ng tulong sa tinawag niyang "Manong Masipag." Kaya naman, hahanapin niya ito para personal na iabot ang mga tulong para sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Dahil sa krisis ng pandemya, marami sa mga kababayan nating senior citizens ang napipilitan pa rin na maghanapbuhay kahit na ipinagbabawal silang lumabas madalas sa kanilang mga tahanan.
Gutom ang pangunahing dahilan nila kung bakit nakikiusap silang lumabas para lamang maghanapbuhay lalo na kung sa kanila pa rin umaaasa ang kanilang mga mahal sa buhay.
Masuwerte na lamang ang ilan na nakakasalamuha ng mga taong may mabubuting kalooban at sila ay natutulungan ng higit sa kanilang inaakalang biyaya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh