Nag-viral na construction worker na dumadalo ng online class, dinagsa ng tulong

Nag-viral na construction worker na dumadalo ng online class, dinagsa ng tulong

- Marami ang nagpaabot ng tulong sa construction worker na nagagawa pa rin na dumalo ng kanyang online classes

- Isang linggo na halos ang nakararaan nang mag-viral ang post ng college instructor na humanga sa kanya

- Dahil dito, marami ang nagmalasakit na magpadala ng tulong sa kanyang pag-aaral

- Personal din itong iniabot sa kanya ng kanyang guro na nagpapasalamat din sa mga nagpaabot ng tulong sa kanyang mag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natulungan ang nag-viral na construction worker na si Rich Dela Cruz na nagagawa pa rin na dumalo ng online class niya habang nasa trabaho.

Nalaman ng KAMI na nag-update ang kanyang college instructor na si Justin Veras at sinabing marami ang nagmalasakit kay Rich nang makita ang post.

"I personally give all of the cash na nagmula sa mga nainspired na tao at nagpadala ng mga maliliit at naging malaking halaga upang makatulong sa kanyang pag-aaral."

Read also

Pinoy couple sa Canada, dalawang beses nanalo sa lotto sa loob ng wala pang isang taon

Nag-viral na construction worker na dumadalo ng online class, dinagsa ng tulong
Ang uploader na si Justin Veras kasama ang kanyang estudyanteng si Rich Del Cruz (Photo from Justin Veras)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ayon kay Veras, sasapat sa pang-tuition ni Rich ang halaga ng naipadala sa kanya na tulong sa loob ng dalawang semester.

Ang matitira naman sa pera ay ibibigay sa magulang ni Rich para sa kanilang mga pangangailangan.

"Pagpalain po tayong lahat maging ang mga patuloy na nagsisend ng kanilang tulong through my GCASH!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang isang linggo na halos ang nakararaan nang mag-viral ang post ni Veras tungkol sa paghanga niya sa kasipagan ng estudyanteng si Rich.

Nagulat kasi siya nang makitang may hagdan at may nagpapala habang dumadalo ito sa kanyang online class. Ang nakamamangha pa umano kay Rich, aktibo itong nakasasagot sa klase kahit nagtatrabaho rin sa construction site.

Read also

Vice Ganda, nagpatutsada sa pagkawala sa ere ng ABS-CBN pagkalipas ng 1 taon

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Masasabing napakalaking pagbabago talaga ang naganap sa education system ng bansa buhat nang magpandemya.

Subalit habang ang ilan ay nahirapan sa dami ng kaibahan dahil sa 'new normal', may ilan na tila nagpasalamat dahil nagagawa nilang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Aminado mang mahirap, isa pa rin daw umano itong oportunidad para sa kanila para magkaroon ng sapat na oras para sa pag-aaral habang nagtatrabaho upang maitaguyod ang sarili gayundin ang kanilang mga pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel