Guro, proud sa estudyanteng construction worker na nasa kanyang online class

Guro, proud sa estudyanteng construction worker na nasa kanyang online class

- Humanga ang isang college instructor sa Bulacan sa kasipagan ng isa niyang estudyante na construction worker

- Nagulat siya na habang sila ay nasa online class, nasa construction site pala ang kanyang estudyante

- Ang nakamamangha pa raw dito, nakakasagot pa ito at nakapagbibigay ng kanyang opinyon sa klase

- Maging ang mga netizens ay napabilib ng estudyante na sana'y magsilbing inspirasyon umano sa mga iba pang mag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng college instructor tungkol sa kanyang estudyanteng isa pa lang construction worker.

Nalaman ng KAMI na nagulat na lamang ang guro na si Justin Veras nang mapansing "may nagpapala" at "may hagdan" sa background ng isa niyang estudyante.

Ayon kay Veras, nasa computer engineering program ang naturang estudyanteng ito.

Guro, proud sa estudyanteng construction worker na nasa kanyang online class
Photo: July 2010, Wycliffe Osumba - GTZ-ecosan consultant (Flickr)
Source: UGC

Masigasig na nakasasagot sa talakayan ng aralin ang mag-aaral at madalas ding makapagbigay ng kanyang opinyon.

Read also

Duterte sa community pantry organizers: "Bugok, wala lang isip yang mga 'yan"

Hanggang sa nabanggit na lamang daw nito na "Sir, Pasensya na kayo nasa construction site po ako."

'Di raw ito agad na inintindi ng guro na patuloy sa kanilang talakayan. Hanggang sa mapansin na lamang daw nito ang construction site kung nasaan ang kanyang mag-aaral.

"While I am busy explaining about our topic. Napansin ko na MAY NAGPAPALA, MAY HAGDAN AND ETC. sa place niya and it shows that he is working while listening to my lecture then maya maya sya babalik sa cp screen niya to give his opinion about the topic..... and my heart was really touched. GRABEEE!"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Labis na naantig ang puso ng guro sa sitwasyon ng kanyang estudyante na doble ang pagsisikap at sakripisyo maipagsabay lamang ang pag-aaral sa kanyang hanapbuhay.

"Sa totoo lang kahit akong teacher napapagod at nahihirapan sa sistema. Pero, Nahiya ako sa sipag ng estudyanteng ito. Pinaalala mo sakin na gaano man kahirap ang dinadanas natin dapat natin itong labanan para sa mga pangarap natin at para sa mga umaasa sa atin! GOOD JOB Kapatid!!"

Read also

Nurse, ipinasilip ang halaga ng natanggap na Special Risk Allowance

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng post na umani na ng napakaraming positibong reaksyon:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Masasabing napakalaking pagbabago talaga ang naganap sa education system ng bansa buhat nang magpandemya.

Subalit habang ang ilan ay nahirapan sa dami ng kaibahan dahil sa 'new normal', may ilan na tila nagpasalamat dahil nagagawa nilang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Aminado mang mahirap, isa pa rin daw umano itong oportunidad para sa kanila para magkaroon ng sapat na oras para sa pag-aaral habang nagtatrabaho upang maitaguyod ang sarili gayundin ang kanilang mga pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica