Duterte sa community pantry organizers: "Bugok, wala lang isip yang mga 'yan"

Duterte sa community pantry organizers: "Bugok, wala lang isip yang mga 'yan"

- Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagsagawa at nagtayo ng community pantry

- Nabanggit niyang dapat na sa mga baranggay nagsisimula ang community pantry

- Ipinaliwanag ni DILG secretary Eduardo Año na maaring mapatigil ang mga community pantry kung hindi ito makakasunod sa minimum health protocols

- Humingi naman ng paumanhin ang pangulo na kinailangan niyang i-extend ang modified enhanced community quarantine sa ilang lugar na kinabibilangan ng Metro Manila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pinakunang pagkakataon, nagbigay komento na si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga nagsulputang community pantry sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Sa "talk to the people" ni Duterte na ginanap noong Abril 28, isa sa mga nabanggit niya ang mga community pantry na mayroon na sa kada sulok ng bansa.

Nalaman ng KAMI na tahasang binatikos ng pangulo ang pagsasagawa nito na nasabing "walang isip" ang mga organizers.

Read also

Kiddie Pantry ni "Spiderman", naghatid ng tulong at saya sa mga residente ng Las Piñas

Duterte sa mga nagtayo ng community pantry: "Bugok, wala lang isip yang mga 'yan"
President Rodrigo Duterte delivers a speech as he witnesses the arrival of a shipment of Sinovac vaccines at NAIA on February 28, 2021 in Manila, Philippines. (Photo by Ezra Acayan/Getty Images)
Source: Getty Images
"Pag maglinya lang sila, not so much, then sabihin, ‘you're next.’"
"Ganon sana. Bugok... wala lang isip yang mga ****** yan. They just want to show to the people that they care but they don’t really care because of their ignorance.”

Paliwanag ng pangulo, sa mga barangay, sitio o purok dapat nagsasagawa ng community pantry.

Dagdag pa ni DILG Secreatary Eduardo Año, naglabas na sila ng guidelines sa pagtatayo ng mga community pantry.

Ito ay upang maiwasan ang hindi magandang nangyari sa community pantry na isinagawa noong Abril 23 sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Tinatayang mahigit 10,000 ang mga nagpunta umano sa lugar na naging dahilan ng paglabag sa minimum health stantards.

Ito ang nakikita nilang dahilan sa maaring pagpapatigil sa mga community pantry kung pagmumulan lamang nito ng malakihang pagtitipon ng tao.

Read also

Nurse, ipinasilip ang halaga ng natanggap na Special Risk Allowance

Samantala, humingi rin ng paumanhin ang pangulo sa extension ng modified enhanced community quarantine sa ilang lugar kung saan kabilang ang Metro Manila.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Narito ang video ng ilang pahayag ng pangulo na ibinahagi rin ng Unang Hirit:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang linggo lamang ang nakararaan nang simulan ng 26-anyos na si Ana Patricia Non ang pagtatayo ng community pantry sa Maginhawa street sa Quezon City.

Mula noon, nagsilbi itong inspirasyon sa marami nating kababayan na nagtayo na rin ng community pantry sa kani-kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Dahil sa layunin nito na makatulong sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho at nakakaramdam ng araw-araw na gutom, maging ang bansang Timor-Leste ay humanga sa "bayanihan" na ipinakikita sa bawat community pantry.

Read also

Jowa community pantry ng isang lalaki, kinagiliwan ng netizens

Kaya naman maging sa kanilang bansa. unti-unti na ring umuusbong ang mga pantry na nakakatulong din sa kanilang mga mamamayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: