Kiddie Pantry ni "Spiderman", naghatid ng tulong at saya sa mga residente ng Las Piñas
- Isang kakaibang community pantry ang nai-set up sa Barangay Pamplona Dos, Las Pinas City nitong Martes, Abril 27
- Tinawag nila itong "Kiddie Pantry" at mayroon ding nagsuot ng costume na "Spiderman"
- Bukod sa tulong sa pamilya ng mga nakapila sa community pantry, naghatid saya rin ang lalaking nakasuot ng Marvel character
- Sa tulong ng kanyang pamilya, naging matagumpay ang pamamahagi ni "Spiderman" ng mga pagkain sa kanilang community pantry
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinagiliwan ang kakaibang community pantry sa Barangay Pamplona Dos, Las Pinas City nitong Martes, Abril 27 kung saan si "Spiderman" ang namamahagi ng pagkain.
Nalaman ng KAMI na ang nasa likod ng pagtatayo ng "Kiddie Pantry" ay ang 34-anyos na si Paolo Felizarta na nagsuot pa talaga ng costume ng Marvel Superhero na si Spiderman.
Sa tulong ng kanyang pamilya at kaibigan, naitayo nila ang community pantry upang magbigay tulong sa mga kababayan nilang kinakapos na sa pang-araw araw na pagkain.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Makikita sa karatula na "Strictly no children's ID, no pasalubong" ngunit makikita namang nabigyan niya halos lahat ng nakapila.
At dahil tinawag niya itong "Kiddie pantry" mayroong mga lobo at makikitang may mga ibinahagi rin siyang loot bags na animo'y galing sa isang children's party ang mga nakipila.
Bukod sa mga gulay, bigas at itlog, mapapansing namigay rin si "Spiderman" ng donuts para sa mga nakapila habang sila ay naghihintay.
Ayon kay Felizarta, wala umanong pagsidlan ang kaligayahan nila at alam nilang nakatulong sila sa kapwa lalo na ngayong panahon ng pandemya.
"Isa sa pinakamasasayang event na na organize po namin busog na busog po ang puso namin walang hanggang pasasalamat po sa inyo at sa Panginoon... Ang saya parang birthday!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Tila nagkaroon na nga ng "domino effect" ang community pantry na nagsimula lamang sa Maginhawa, Quezon City sa pangunguna ni Ana Patricia Non.
Nagsilbi itong inspirasyon sa marami hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa bansang Timor-Leste na mayroon na ring sariling community pantry dahil sa inspirasyon na nakita nila sa atin. Malaki kasi ang maitutulong nito sa kapwa nating naghihikahos na mairaos ang gastusin at mga pangangailangan sa araw-araw.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh