Jowa community pantry ng isang lalaki, kinagiliwan ng netizens
- Viral ngayon ang post ng isang lalaki kung saan kakaibang community pantry ang kanyang naisipang gawin
- Imbis na mga pagkain, at iba pang mga basic needs ng ating mga kababayan, sarili niya ang nakalagay sa kanyang pantry na tinawag niyang "Jowa community pantry"
- Ilang araw bago niya ito gawin, nag-post pa siya tungkol sa pagiging single sa loob ng walong taon kaya malapit na raw niyang ilagay ang sarili sa isang community pantry
- Natuwa naman ang ilang netizens lalo na at patok na patok ngayon ang samu't saring mga itinatayong community pantry sa iba't ibang lugar
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinagiliwan ngayon ng mga netizens ang kakaibang community pantry na itinayo ni Jesse James Joves.
Imbis na pagkain at ibang basic needs ng tao ang makikita sa kanyang pantry, siya lang at ang karatulang "Jowa community pantry" ang makikita.
Nalaman ng KAMI na sinamahan pa niya ng ilang mga kwalipikasyon niya ang karatula upang mas madali siyang makahanap ng "jowa" o nobya na kukuha sa kanya sa pantry.
"Tall dark and pwede na... Loves the Lord, no issues... slightly used"
Aliw na aliw ang mga netizens na nakakita sa post ni Jesse. Talagang nakaupo siya sa labas may gate sa gitna ng mainit at tirik na araw.
Samantala, sa kanya ring post ilang araw bago maisipan ang pagtatayo ng kanyang makulit na konsepto ng pantry, nabanggit niya na walong taon na siyang "single" at malapit na niyang mailagay ang kanyang sarili sa community pantry.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang komento ng tuwang-tuwang mga netizens sa kanyang viral post:
"Aba magandang ideya yan kuya, medyo marami na sa friends ko ang pwede kong malagay sa ganyang klaseng pantry"
"Bentang-benta ito sa akin, may nag-mine na po ba sa inyo?"
"Aliw si kuya, naisip mo pa 'yan? Ang kulit... napatawa niyo po ako"
"Talagang nagbilad sa init si kuya para lang makuha na siya sa pantry niya... hahaha!"
"Makagawa nga nito sa amin, tutal marami pa saming magtotropa ang single"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tila naging domino effect na ang mga community pantry sa bansa na malaki ang naitutulong sa mga kababayan nating lalong naghikahos dahil sa pandemya.
Ang nakatutuwa pa sa nangyayari, kahit ang mga inaakala nating nangangailangan ng tulong, sila pa itong nagmamalasakit na magbigay sa kanilang community pantry.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Katunayan, isang batang lalaki ang nabigyan ng scholarship ng isang organisasyon matapos magbigay ng kalahating kilo ng kamote ang kanyang pamilya sa kanilang community pantry.
Labis na natuwa sa kanya ang mga organizers lalo na at makailang beses pa talagang nagbigay ng donasyong kamote ang pamilya ng bata. Kaya naman ang naging sukli nito ay ang pag-aaral niya mula elementarya hanggang kolehiyo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh