Lalaki sa isang community pantry, nahusgahan dahil sa kumalat na litrato
- Sa lalong pagdami ng tinatayong community pantry sa iba't-ibang bahagi ng bansa, marami ang nabuhayan ng loob sa gitna ng kahirapan
- Gayunpaman, hindi maiwasan na maibahagi sa social media ang ilang kaganapan sa mga community pantry
- Isang lalaki nga ang nahusgahan matapos ibahagi ang kanyang litrato at paratangang kumukuha siya ng pagkain sa pantry kahit pa andami nitong alahas
- Dahil dito, umalma ang nagpakilalang anak ng lalaki at nilinaw na hindi kumuha ang kanyang tatay at bagkus ay naglagay ito ng gulay na kanyang napamili
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Inihingi ng paumanhin ng isang netizen ang kanyang nasabi sa isang lalaki na nakuhanan ng litrato sa isang community pantry.
Makikitang may hawak itong sitaw at supot. Kapansin-pansin din na hindi ito mukhang mahirap kaya naman marami sa mga netizens ang napaniwala sa post ng isang lalaki.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Pinuna nito na kahit puno ng alahas at may sasakyan ay kumuha pa rin ang lalaki sa community pantry. Pinalagan ng isang nagpakilalang anak ng lalaki sa litrato ang pambabatikos sa kanyang ama.
Aniya, huwag sana husgahan ang kanyang ama dahil hindi naman ito kumuha. Nilinaw nitong ang litratong kumalat ay kuha nang maglagay ng kanyang napamiling gulay ang kanyang ama.
Dahil dito, nabalik sa lalaking nagbahagi ng kanyang sentimyento ang pambabatikos. Minabuti na rin nitong humingi ng dispensa sa kanyang nagawa.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.
Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh