Alvin Elchico, nag-sorry kay Angel Locsin dahil sa paraan ng pagtanong niya

Alvin Elchico, nag-sorry kay Angel Locsin dahil sa paraan ng pagtanong niya

- Nilinaw ng "TV Patrol" anchor na si Alvin Elchico na wala siyang intensiyon na insultuhin o saktan si Angel Locsin sa kanyang naging panayam sa aktres

- Ito ay matapos siyang mabatikos ng ilang mga netizens sa paraan ng kanyang pagtatanong kay Angel kaugnay sa pangyayari sa kanyang birthday pantry

- Gayunpaman, humingi ng tawad si Alvin kung nasaktan niya ang aktres

- Matatandaang hindi napigilan ni Angel Locsin ang maiyak habang sumasagot sa mga tanong ni Alvin sa isang panayam kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Alvin Elchico na wala siyang intensiyon na makapanakit matapos siyang mabatikos kaugnay sa kanyang naging panayam kay Angel Locsin nitong Biyernes.

Marami sa mga netizens ang umalma at para sa iba ay naging harsh ang news anchor nang tanugin nito ang aktres kaugnay sa pag-organisa nito ng community pantry.

Read also

Barangay officials sa kontrobersyal na "lugaw is essential" viral video, kinasuhan na

Alvin Elchico, nag-sorry kay Angel Locsin dahil sa paraan ng pagtanong niya
Angel Locsin (Photo by Jamie McCarthy/WireImage)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naitanong ni Alvin kung may balak pa daw ba ang aktres na mag-organisa ng community pantry matapos ang masaklap na kaganapan.

"Kahit may nangyaring ganito, meron ka pa rin bang susunod na ioorganisang community pantry o nadala ka na?"

Dito na naiyak si Angel ay sinabing wala na siyang balak na ulitin iyon.

Inihingi din ni Angel ng tawad ang nangyari.

Pagkatapos ng pag-ere ng panayam na ito kay Angel Locsin, marami sa mga netizens lalo na sa Twitter ang umalma sa paraan ng pagtanong umano ni Alvin.

Kaya naman sa kanyang sumunod na programa ay minabuti ni Alvin na linawin ang isyu at humingi na rin ng dispensa.

Inihayag din nito ang paghanga niya sa aktres na agad na humingi ng dispensa at wala nang idinahilan pa.

Read also

Kris Aquino, sinupalpal ang netizen na nagpatutsada sa kanyang pagtulong

Nagpaliwanag si Alvin tungkol sa kanyang tanong kung nadala na daw ba si Angel.

"Ang ibig kong sabihin sa 'nadala' is parang may nangyari kasi so parang, 'Na-trauma ka ba?' Tama ba ang pakakahulugan ko o mali?"

Matapos magpaliwanag humingi din ito ng pasensiya kay Angel.

"Angel, if you're offended, sorry ha kung na-offend ka. Sa mga fans po, sorry po kung na-offend kayo, but it was never my intention na i-offend po siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Read also

Angel Locsin, humingi ng sorry dahil sa pagkakagulo sa kanyang community pantry

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel Locsin sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang mga magulang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel