Vice Ganda, nagpatutsada sa pagkawala sa ere ng ABS-CBN pagkalipas ng 1 taon
- Muli na namang bumira si Vice Ganda kaugnay ng pagkawala sa ere ng ABS-CBN
- Isang malamang mensahe ang itinweet ni Vice ukol sa pagkakabasura sa franchise renewal ng network
- Ayon pa sa host at komedyante, hindi lubos na nagtagumpay ang mga nasa likod nito
- Isang taon na ang nakakalipas nang tuluyang ipasara ang Kapamilya Network dahil sa ilang isyu
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi nagpaawat si Vice Ganda at muling nagpatutsada sa mga taong tinawag nitong "ganid at masasamang" loob kaugnay ng pagkawala sa ere ng ABS-CBN.
Isang taon na ang nakalipas nang tuluyan nang mag-off air ang istasyon dahil sa ilang isyu.
Sa isang tweet, sinabi ni Vice na sa kabila nito, hindi pa rin lubos na nagtagumpay ang mga tao sa likod nito.
"Isang taon na ang nakalipas ng tangkain ng mga ganid at masasamang loob na ang mga KAPAMILYA ay mapagkaitan ng serbisyong kailangang kailangan nila lalo sa panahon ng pandemya. Ngunit di sila lubos na nagtagumpay. Dahil andito pa rin kami at patuloy na isinasabuhay," tweet ni Vice.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"ang sinumpaang linyang “In the service of the Filipino worldwide”. Ang pamilya ay di sinusukuan. Nahihirapan ngunit nagtatagumpay. Andito pa rin kami para sa’yo KAPAMILYA!" dagdag pa ng Kapamilya star.
Dati na ring matapang na naglabas ng kanyang saloobin ang host at komedyante ukol sa pagbasura ng franchise renewal ng Kapamilya channel.
Hulyo noong nakaraang taon nang ibasura ng The House of Representatives’ Committee on Legislative Franchises ang application ng ABS-CBN para sa panibagong 25 taong renewal ng prangkisa dahil sa mga umano'y paglabag ng istasyon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Pero ayon sa isang pahayag ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta matapos ang ABS-CBN shutdown noong nakaraang taon, posibleng hindi na makabalik sa ere ang istasyon.
Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh