Pari na inakusahan ng pakikiapid, nagawang mag-sorry sa kumakalat na viral video
- Isang video ngayon ang kumakalat sa social media kaugnay ng umano'y pakikipagrelasyon ng isang pari sa babaeng may pamilya na
- Makikita sa naturang video ang pagkompronta ng mister sa pari na umano'y kaibigan pa ng kanilang pamilya
- Kasama rin nito ang mga anak na kung saan isa pa sa mga ito ang kumukuha ng naturang video
- Nagawang mag-sorry ng pari ngunit lalo lamang nagwala ang mister habang wala namang kibo ang misis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Gumulantang sa social media ang kumakalat na video ng mister na napasugod sa isang pari sa Pampanga na umano'y karelasyon ng kanyang misis.
Nalaman ng KAMI na nasa limang minuto ang komprontasyon na unang kumalat sa pamamagitan ng private messages.
Ayon sa Inquirer, nitong Lunes, Mayo 3 nang magsimulang kumalat ang naturang video.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Dala ang kanilang family portrait, hindi nakapagpigil ang mister na sirain ito sa harap mismo ng pari.
Mapapansin ding dala nito ang isang maleta at ilang gamit ng misis na ipinauubaya na raw niya sa alagad ng simabahan.
Dala ng matinding emosyon, naisigaw pa ng mister ang ikaanim sa sampung utos ng Diyos na "thou shall not covet they neighbor’s wife."
Lakas-loob pang humingi ng "sorry" ang pari na lalo lamang ipinagngitngit ng mister.
Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabing malapit na kaibigan ng pamilya ang pari kaya ganoon na lamang ang sama ng loob ng mister at mga binatilyong anak nito.
Hindi na rin nila napigilang murahin ang namumuno sa kanilang simbahan at sinabihan din nitong "ahas."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Wala namang kibo ang misis at hindi na rin makaimik habang patuloy na naglalabas ng saloobin ang kanyang mag-aama.
Samantala, nakipag-ugnayan na rin si Archbishop Florentino Lavarias Archdiocese of San Fernando sa paring sangkot sa naturang iskandalo at sinabi nitong ipinapanalangin nila ang patnubay ng Diyos upang mabigyang linaw ang mga kaganapan.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Nito lamang nakaraang buwan, isang pari rin ang nag-viral matapos na makuhanan siya ng video na tila galit habang isinasagawa ang seremonya ng binyag sa Tagum Davao Del Norte.
Ayon sa Diocese of Tagum, nagkaayos din ang pamilya ng sanggol at ang pari na humingi na rin ito ng kapatawaran sa kanyang nagawa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh