China Roces, nagpost ukol sa "maling minahal" pagkatapos ng relasyon nila ni Tim

China Roces, nagpost ukol sa "maling minahal" pagkatapos ng relasyon nila ni Tim

- Tila nagpatutsada ang social media influencer at vlogger na si China Roces

- Nag-post kasi ito tungkol sa "maling minahal" matapos ang relasyon nila ni Tim Sawyer

- Naging kontrobersiyal ang relasyon ng dalawa matapos ang isang FB Live noong isang taon

- Kamakailan lang ay tuluyan nang naghiwalay ang couple vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pagkatapos ng masalimuot na pinagdaanan ay tila nagpatutsada ang dating FHM model at social media influencer na si China Roces.

Sa isang edited photo nito na ipinost nito sa kanyang Instagram account, isang malamang mensahe ang ipinarating ni China sa mga followers.

"Hindi mali ang mag-mahal sadyang mali ka lang ng Minahal."

China Roces, nagpost ukol sa "maling minahal" pagkatapos ng relasyon nila ni Tim
Photo: China Roces and son Timothy (@yourbabychina)
Source: Instagram

Naging kontrobersiyal si China at ang ex-partner nito na si Tim Sawyer na isa ring vlogger, matapos ang isang Facebook Live noong nakaraang taon.

Read also

Donnalyn Bartolome, binahagi ang mga mensahe ng sugar daddy applicants sa kanya

Sa nasabing video, isiniwalat ni China na pinagtataguan umano siya ni Tim ng pera na kinita nilang dalawa mula sa kanilang mga vlogs.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mariin naman itong itinanggi ng lalaki ngunit nanindigan si China ukol dito.

Hindi nga nagtagal at humantong na ang dalawa sa programa ni Raffy Tulfo kung saan inilapit ni China ang kanyang reklamo laban kay Tim.

Kaliwa't kanan rin ang naging sagutan ng dalawa sa gitna ng isyu.

Sa huli, tuluyan ding naghiwalay ang mga ito at nagkanya-kanya na ng landas. Nakilala ang dalawa dahil sa kanilang mga content tungkol sa mga mag-asawa o mag-nobyo.

Sa isang video kasama ang isa pang internet star na si Erika Embang, sinabi ni China na naka-move na siya.

Hindi mang deretsong sinabi ni China kung tungkol ito sa kanila ng ex na si Tim Sawyer, tila iyon na ang nais iparating ni China.

Read also

Maja Salvador, apektado daw ang career nang makipagrelasyon kay Gerald Anderson

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan lang, tila nagpahaging si China tungkol sa kanyang bagong love life at isang video ang ibinahagi sa kanyang mga fans. Labis namang kinilig ang mga supporters ni China rito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel