Sagutan na! China Roces, matapang na sinagot ang pahayag ni Tim Sawyer

Sagutan na! China Roces, matapang na sinagot ang pahayag ni Tim Sawyer

- Maanghang ang mga naging pahayag ni China Roces laban sa kinakasamang si Tim Sawyer

- Agad na sinagot ni China ang naging statement ni Tim matapos bumulaga sa lahat ang isyu ng dalawa ngayong araw

- Tumindi ang mga akusasyon ni China laban kay Tim, partikular na sa usaping pera

- Halo-halo naman ang naging reaksyon ng kanilang mga followers ukol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nasindak at mas matapang ang naging sagot ni China Roces sa naging pahayag ng kinakasama at kapwa vlogger na si Tim Sawyer.

Matapos ang kontrobersyal na live video ng dalawa sa Facebook ngayong araw ay mabilis na kumalat ang isyu ng dalawa sa social media.

Sagutan na! China Roces, matapang na sinagot ang pahayag ni Tim Sawyer

Photo from China Roces Facebook page
Source: Facebook

Sa isang pahayag, itinanggi ni Tim ang mga paratang ni China partikular na sa usaping pera.

Matatandaang sinabi ni China na pinagtaguan umano siya ni Tim ng pera na kinita nito mula sa kanilang mga videos.

Plano din umano ni Tim na iwanan sila ng kanilang anak at nagbalak din daw na bumili ng sariling bahay at sasakyan na hindi sinabi sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod dito ay itinago rin daw ni Tim sa kanya ang negosyong nais nitong pasukin.

Pero ayon kay Tim, alam daw niyang malalaman din ni China ang kanyang mga plano dahil hawak daw nito ang kanyang mga social media accounts at may access sa kanyang emails.

Anito, hindi rin daw siya naging madamot kay China at sa pamilya nito na kasama nila sa bahay.

Inireklamo rin ni Tim ang umano'y pananakit sa kanya ni China.

Siya rin daw ang gumagastos sa kanilang grocery at nagbayad ng kanilang electricity bill na umabot sa P25,000.

Agad naman itong sinagot ni China at iginiit na dalawang buwan pa lang na nagbabayad si Tim ng kanilang bill sa kuryente.

Hindi rin nito pinalagpas ang mga dati nang isyu nilang dalawa. Dagdag pa nito, nag-chat daw sa kanya ang mga umano'y babae ni Tim.

Halo-halo naman ang naging reaksyon dito ng kanilang mga followers. Marami sa mga ito ang nalungkot dahil sa nangyari sa dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim Sawyer at China Roces sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Ngayong umaga lang nang kumalat sa Facebook ang live video ng dalawa kung saan nagtatalo ang mga ito na agad din namang binura.

Mabilis ding kumalat sa socmed ang private convo ni China at ng kaibigan ni Tim!

Isang post din mula sa kaibigan ni China ang nag-viral matapos nitong sabihin ang naging ugat umano ng away ng dalawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel